I failed to keep up with the Project 365, kaya I go back using the good 'ol journal para magsulat ng mga araw-araw na pakikipagsapalaran ko in this thing I called life. Char.
I want something sort of a scrap-journal para naman pwede kong ilagay yung mga paglulumaan kong cellphone, damit at mga basyo ng mga lotion. Chos. Kaya when I saw this from Powerbooks, alam ko, heto na ang planner ang hanap ko.
There's an overlook page where you can put all of your important events for the entire. Gash, wala pa talagang laman ang aking sked. Bubunuin ko pa lang.
Hindi ko maarok kung para saan 'to, pero nililista ko dito ang bawat food that I binge. Why? To remind me on how much and long I eat a particular food at kung kelan ako titigil, which reminds me na bawal na pala mag lustay. Kelangan ko nang magipon...
Kelangan ko pa ba ng smiley tracker eh masayahin naman akong tao? Tamang-tama, gagawin ko na lang siyang period tracker para naman kapag tinanong ako kung kelan ang huling period ko, hindi ko na isasagot ang "hindi ko na po matandaan".
Before the daily notes, may stop over para magpost ng pica and konting notary public. Balak kong ilagay sa picture ang magiging most significant event for the month. Papa-print na naman ako neto.
And the main course, of course! Kung anes-anes lang naman pinaglalagay, most of them mga kilig moments namin ni heartbeat. I practice all caps ang handwriting kasi, mas madaling basahin kesa sa kinahig na manok hand writing. Hindi ko na mabasa ang mga pinagsusulat ko, lalo na kapag nagmamadali.
After the pages dedicated for the daily journal, may for 2013 na page. Ang advance naman, eh pupunuin ko pa nga ang 2012 ko. So ginawa ko na lang itong birthday page to remind me ng mga babatain ko on their birthdays. Ang sipag ko, ang dami ko na nasulat!
Ayos, just what I needed! A moolah tracker! Dahil sa panahon ngayon, kelangan kong magtabi-tabi for future use. Pwede ko na umpisahan sulat-sulatan.
May mga ganito pang ganap. Hobby/habit ko kasi ang pumunta sa mall at bumili ng mga anetch-anetch na hindi ko naman kelangan. Gastos na sa pamasahe, nakapaglustay pa ako, so double effort ngayon to save money.
Huh? May contacts page? Uso pa ba 'to? Char. Kelangan ko pa ba ng 1x1 pic? Gawin ko na lang kaya to na MY Boylet's Page? Mata-track ko kung ilan ba ang nagiging crush ko every year. ..
The last pages are dedicated to notes na ginawa ko na lang album ng mga movie tickets. These movie tickets are from 2011 pa. Talaga, 8 times lang ako jumosok sa sinehan? Kulang pa yan. Dapat maka once a month naman ako this year at ang goal ko, puro Pinoy movies ang papanoorin ko para makatulong ako sa ating bansa. Meganun?
Sa sobrang pag karir ko sa planner ko, dinadala ko pa sa office, kaya naman goodluck sa mga nakakakita sa akin at ma-curious na buklatin ang aking Dear Diary...

















1 comments:
ingat-ingatan mo yang journal mo. baka may makaisip manloko sayo sa ofis nyo at getlakin yan ng wala kang kamalay-malay. hahaha!
Post a Comment