Happy V Day!

Without too much expectations, I was surprised to receive chocolates from my one and only, Heartbeat...... Teka, medyo na shocked pa ako sa mga pangyayari nang inabot niya ang chocolates.

Sabi nga ng isa kong ka officemate, may sumpa sila sa Ferrero dahil lahat ng babaeng binibigyan nilang magtotropa ay either hindi sila sinasagot (kung nililigawan pa lang nila) or makikipag break sa kanila (kung mag bf/gf).

Bago pa mag heart-heart ang paningin ko, nagising na ako sa katotohanan na hindi lang ako ang binigyan ni Heartbeat ng chocolates - lahat ng babae at pusong babae at ginivlove niya. Sosyal ha! Ito ang chocolate na NEVER kong nagustuhan dahil hindi naman masarap. Mas masarap pa nga ang SAMBA. Pero, panalo naman sa packaging ang F. Parang yung Romansa chocolates lang na nakita ko sa Mega.





Gutom na gutom na rin naman ako dahil hindi na ako nag breakfast kaya I devoured every piece of chocolate and in just a few minutes, I finished it!




Maingat (maingat daw talaga!) kong tinago ang mga wrapper dahil ididikit ko to sa my Dear Journal. Baka kasi mahalata ni Ser kapag tinapon ko na ang ebidensya, yung clear plastic lang at yung brown na wrapper sa ilalim, wala yung mga gold wrapper. Hahaha! Malamang, yung sticker na lang plus isang wrapper. Napicturan ko naman, pero bahala na! Basta, hindi dapat langgamin!





Ayon sa nakalap kong impormasyon, every year naman talaga namimigay si Heartbeat ng mga chocolates sa mga girls at pusong girls sa aming department at sa kabilang department. Ayaw pa nga niyang ipaalam na siya yun, eh ilang taon na rin naman niyang ginagawa. Wala namang masama dun ah? Eh ako nga nakapagbigay na rin nung Christmas naman, saka sobrang konti lang naman namin, Hindi ko kayang higitan yung ginawa niya.


And it was lunchtime. May gimik ang aming pantry na sa mga makakabunot sa bowl, puedeng makakuha ng rose, chocolate or pick up lines! At kamusta naman ang aking nabunot. Pinagdasal ko ang chocolate dahil isang Cadbury 200g lang naman! Na shock ako na maguuwi ako ng ISANG PIRASONG ROSE na bubot pa... Medyo nahihiya pa akong kuhanin kasi sobrang kulit nila Heartbeat kaya ginetching ko na lang bago ako umuwi.






On the landi note, may bagong nagpapakilig sa akin. Itago na lang natin siya sa nemsung na Kerbie Zamora dahil magkahawig sila, parang pinagbiyak lang na inodoro.




Nagsimula kaming tuksuhan nung tinanong niya ako kung ilan na ang anak ko at marami ang nakarinig. Tinanong ko rin siya kung bakit niya ako tinatanong, aanakan niya ba ako? Ang bilis kumalat ng balita! Isa na kaming loveteam sa opisina!

Kagabi, naabutan ko pa siya sa office dahil late na siya umuwi. 2am, out na siya, samantalang ako, 4am ang pasok ko. So rare ang chance na magmeet kami. One station away ako from him at busy-busihan ako magbasa ng libro nang bigla niya akong tinawag. Tamang-tama, nakapag retouch na ako at nakapag make up ng right amount (hahahaha) nang nilingon ko siya at sinabi kong "yes?" sabay smile. Parang nag pause lang siya ng one sec at nagsmile siya at sinabi niyang "wala lang..." Lumaki ang mga mata ko at sinabi kong "adik ka ba?" sabay balik sa pagbabasa ng libro... Pero hindi ko pinahalata, gusto ko ng sumigaw dahil sobrang KINIKILIGGGGGGG AKO!!!!! WWAHAAAHAHAAHAHAHAHA!

Kinilig ako kanina nang naririnig ko na kaming dalawa ang topic of discussion. Kapag siya daw ang naging jowa ko at nagka baby daw kami, magiging Amerasian daw ang baby. Medyo kulay kape siya at maputim naman ako kapag tinabi sa kanya. Hindi daw ako luluha sa kanya dahil one-woman man daw siya. Talaga lang ha? Kinikilig ako, pramis! Wala naman sigurong masama kung kiligin? Di naman ako nagtataksil neto kay Heartbeat?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

3 comments:

ellie said...

shucksss, bakit kinilig ako sa kwento mo tungkol kay kerbie? baka sya na keps?! yung totoong picture naman post mo.

ellie said...

sino yung visitor mong galing cebu? ang sugid magbasa ha!

Patay Malisha Barton said...

Baka may admirer ako from Cebu? Hehe. Sige ipo post ko na kapag hindi ko na siya crush!

Post a Comment