You Had Me at Haller

3.08
Nakakainip na. Kelan pa yung huling moment natin? The last time you said, iuuwi mo ako sa inyo? I was expecting more dahil according to the ever reliable astrology reading, there are so much more to come. Eh bakit parang dun na nag stop? All I can do is to relieve each moment we had kapag hindi tayo nagkikita. Nakakainip na talaga? Kelan pa masusundan ang last time?

3.14
An issue happened at the office which he was involved. For the rest of the days, he doesn't stay at the office that long. Umuuwi siya agad. Today, he just said "Hi, Deejay", then afterwards, he went home without even bidding good bye. But I made Kamusta, it means that I am initiating a conversation. I can see the sadness in his eyes.

3.22
Gash! More than a week kaming hindi nagkita! Malapit na naman siya mag day off so kahapon, hindi ko na pinalampas ang pagkakataon. Hinanap ko siya sa katabi ko na bff niya. Siyempre, ang sagot nun, umuwi na siya. But I'm sure, ire-relay ang message ko na hinahanap ko siya kahapon, kaya naman pagpasok ko ngayon, nasa office pa siya. Kulang na lang tumalon-talon ako sa tuwa kasi nakita ko siya. :D

Sabi ng mga advisers ko, ako na daw magkusang loob, may tendency daw kasi akong maging hot or cold. Kapag ayaw kong mamansin, deadma. Dapat, consistent daw ako sa pagpapakita ng aking intentions and ulterior motives, so, ako na ang nag "Hello" at nangamusta sa kanya. Ang tamis ng sagot niya, blooming daw ang lola mo. Aba! Siyempre! Ngayon na lang kami nagkita eh.

Hindi naman din kami nakapag moment together kasi naguusap-usap sila ng mga bff niya. Medyo naloka ako sa topic nila - toning and sculpting of muscles. OMG. Parang wala naman silang sasalihan na body building contest? Ba't adik na adik sila magkaroon ng maskels? Wahaha.

I had to go outside of the office for a while dahil may nagyayang mag break. Paalis na rin pala siya. Palabas na ako ng door when he suddenly called me. He said, "Deejay, paalis na ako." So? Anong gagawin ko? Hahatid ko siya? Sinabi ko na lang, "Ba-bye! O beso na..." sabay smile! Nag smile na lang din siya. Gassssh! Nakabawi na siya ng ganun-ganun lang ha! Ay am beri mats excited na mag weekend next month! Feeling ko, may mabubuo na kami next month! Hahaha!




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment