Ilan na ba naging bf ko?

Sabi nga ni ate KC, hindi lahat nadadaan sa kilig. Pero, hindi naman siya pogi, kaya kebs na at kinikilig ako sa kanya.

I was mad at him last night dahil binato niya ako ng unan na hugis puso. Nakakatawa lang, pero nakakainis kasi tumama sa ulo ko! What's up with that? Bakit kelangan akong batuhin ng unan? Kahit yung pagkuha niya sakin ng unan, natamaan pa ako sa ulo. Ano ba? Masyadong papansin? Second day ko sa night shift, totally new life for me after one year. Nung first day, busy ako aralin ang aming jobs, pero ngayong second day, may time na ako sa pwesto ko para guluhin niya. Nung tumabi siya, hindi ko siya kinakausap. Pangasar kasi eh. Pero kanina, nakapag move on na naman ako. Di na ako inis sa kanya.

10 mins before 1am. Malapit na kami mag lunch ng bigla siyasng tumabi sa akin. Kung ano-ano ang mga tinatanong niya na hindi naman related sa mga follow questions niya.Sabi niya, lalo daw akong mananaba sa shift namin dahil puro kain lang ang gagawin namin. He's asking for my birthdate and for my real age, eh bumati nga siya nung birthday ko eh! Kung okay lang daw ba sa akin ang bata, 27 na daw siya. I thought he was 22? Kung nasa kalendaryo pa daw ang age ko? Hindi ko na sinagot.

Kung may hahawak sa akin ng mga oras na yun, magtataka kung bakit ako malamig. Kinakabahan kasi ako, he's so very close to me. Nakakakaba na nakakakilig at the same time.

He was pointing at arms kasi mabalbon daw ako, samantalang siya, hindi. Ano ba gusto niyang gawin ko skwa kanya? Haplusin? Tinanong ko kung may buhok siya sa kilikili, at gustong ipakita sa akin! Nascared ako dahil tatanggalin niya yung jacket niyang suot! Kalurkey!

Habang kinukwento ko ang tungkol sa previous job ko, bigla akong tumambling sa tanong niya.

Kerbie: Ilan na naging boyfriend mo, DJ?

Me: Huh? Ano bang tanong yan?

Kerbie: Ilan na nga, DJ?

Me: Nakakahiya naman sayo...

Kerbie: Pang ilan ako?

Me: Ano? Hahahaha!

Kerbie: Pang ilan nga ako?

Boss: Lunch na!

Me: Ay! Lunch na daw kami, next time ko na lang sasagutin ha?
 1

OMG. Ramdam naman na masaya ako sa shift ko no? Bwahahahaha

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment