8 long minutes

I did my best, at parati namang it wasn't good enough to reclaim my old website back. I try resetting passwords on all of my yahoo email addresses, but still no luck. Sayang talaga ang mga entries ko, I thought I backed them all up. I think I did, but I need to check it out sa mga back up cds ko. Ayan kasi. Ang dami-daming account, di makuntento sa isa.


Balak ko pa naman mag-repost muna para naman malagyan nang laman 'to kahit papaano. Kaya lang ano naman ang ipo-post ko eh kahit yung mga lumang entries eh hindi na rin ma-access! Nakaka-stress ang ginawa ko kaninang pagrereset. Sino ba kasi ang pesteng pet na nilagay ko para sa secret question and answer? Ang alam ko naman, si Dumo ang nag-iisa kong pet. Puede rin si Ejay. Sina Rommer at Ryan Paul naman eh hindi ko pa nakikilala nung ginawa ko yung mga account ko!

Pero mas nakaka-stress pa yung nangyari sa akin kanina. Kumukulo na ang aking tiyan at najejerbs na ako habang nasa office kanina. Hindi ako puedeng mag-break agad dahil naka-schedule ang aking lunch break. 8 minutes before 8pm, nag paalam ako kung puede i-take nang maaga dahil maghe-"hello Philippines and hello world" ang jerby ko! Hindi ako pinayagan dahil follow break skeds daw! If you can imagine, that was the longest 8 minutes of my life. . .

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment