Kanina ko lang nalaman in-accessible na pala ang super sikat kong website na Masikip Kong Mundo. Hindi na rin kasi active ang may ari nang pa-sweet na blog skin na ginamit ko at ewan ko ba naman kasi kung anong klaseng strong password ang ginamit ko at hindi na rin ako makapag sign in sa pesteng website ko na yan.
Sayang, nakalagay pa naman dun ang mga Pulitzer winning entries ko tungkol kina G-Shuck at ang Matataas na Halamang Gubat! Pero di bale, para sa mga avid reader(s) and follower(s) ko na mukhang wala naman, matutunghayan din natin ang istoryang 'to kapag tayo ay nagbalik-tanaw sa aking mga nilikhang kwento. Hala, bat nagiging Cristy Fermin mode ako.
Since 2003 pa pala ang aking blogspot na yun and as far as I can remember, it ran for 2 years yata. Nakakamiss talaga mag-blog nang kung mga top caliber na posts. Nakakatamad na rin kasing mag post sa iba ko pang accounts, ang daming nagbabasa. Gusto ko, piling piling panauhin lang ang aking magiging readers. Hahahaha!
Na-e-excite na akong mag-repost at dugtungan ang aking mga priceless entries. At dahil diyan, bukas na lang ulit dahil maglalaro pa akong nang Cafe World.






0 comments:
Post a Comment