Abisuhan

Day - 1

Hala, ibig sabihin may follow up 'to. Four days and three nights kami sa Coron, kaya may follow up ang kalokohan kong 'to. Maraming first time ang nangyari sa akin dito, may mga pangyayaring hindi kagandahan, pero nag enjoy naman lahat sa weekend adventure!

Departure day, Nov. 13. Friday the 13th and 13 kaming confirmed na tutulak sa Palawan. I guess it's not unlucky after all! Chosss! Kaya pala heto ang title nang una kong entry eh kasi may kasama kami na pa-menthol effect, pero hindi naman halata. At dahil mapapagkamalan din siyang ate sa unang tingin, kelangan "abisuhan" muna ang aming mga kasama para naman 'wag masyadong ipahalata kay ate na alam na namin ang "tunay niyang pagkatao". At medyo sinumpa ko si ate nang slight sa ginawa niya sa akin during the stay in Palawan, pero okay na naman ako kasi "medyo" as in medyo thankful pa ako sa ginawa niya.

Anyway highways, speaking of first time, maraming first time ang nangyari sa akin during the trip.

  • Makapag-travel nang malayo (so far, Quezon Province ang pinakamalayo kong narating by van),
  • Sumakay nang plane (via Cebu Pac)
  • Mag- island hopping
  • Snorkeling ( I usually stay lang sa mga pampang at hindi ako nag-attempt lumayo kahit may mga divers na mag-a-assist dahil hindi ako marunong lumangoy)
  • Mag swimming sa gitna nang laot (siyempre with diver’s assistance saka naka life vest ako)
Ang dami no? Charissss! Medyo haggard na nung first day dahil yung mga makakasama ko papuntang airport eh medyo mali-late. Balak ko nang mag-commute mag-isa, buti na lang may nagmagandang loob na isama na ako papuntang airport. Chosss. Nakarating naman ang lahat nang safe and sound sa airport at nakapag check in din kami on time nang sabay-sabay.




Ay, walang masyadong tao sa NAIA 3.



Sinaved ko pa yang ticket ko kasi gagawa ako nang scrap book. Chosssss!





Julia and Nat while waiting for the others.


Yan ang aming plane to heading to Busuanga. Sosyaaal no? Heto pa:


Sosyaaaal!


First shot ko nang Busuanga island. Napaluha ako dito.


Parang mga cotton candy pala ang mga ulap.



May konting katangahan ang nangyari nang nasa 4th floor kami nang terminal 3 nang airport at kelangan na naming bumaba para makapag check in. Malay ba naming one floor lang pala ang aming babaan para sa Cebu Pac flight? Nadaanan na namin lahat nang floor, pero haping-happy pa rin ang mga badet.

We arrived at Busuanga around 10:45 and at the town proper around 12noon. At 5pm, pinag-trek na kami sa Mt. Tapyas. 48 millions steps yata yun at sobrang nakakapagod!





Ang taas pala nang bundok!




It is almost sunset kaya medyo na-capture namin ang dramatic moment na itei.




Super pagoda cold wave lotion na ako diyan!



The A Em Team. Why Aem? I will tell later.




maquinit hot springs Pictures, Images and Photos



Nanginginig na ang mga binti namin nang dalhin kami sa Maquinit Hot Springs para makapag -relax after a long and tiring day. Madilim na nun kaya hindi na kami masyadong nag pictorial at hindi na namin na na-explore mabuti ang place. Ganito pala hitsura nun kapag maliwanag pa.








Pagkatapos nun, Nag dinner kami sa mga tabi - tabing kainan. Medyo may kamahalan ang mga tinda dahil tourist spot na ang Coron. I had longsilog for dinner at isang plastik nang skinless longganisa ang inihain sa akin! Busog!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment