Day 1 pa rin. Pasensiya na. Ang daming kwento naganap nang day one.
Pagka-touch down namin sa Coron, naghanap kami agad nang lapsungan dahil tom jones na kaming lahat. Nirecommend sa amin ang Kawayanan - may pagkamahalia jackson ang mga fudanggambels. So kasama nang mga inorder naming kanin at ulam, umorder kami nang red iced tea. Good for three people ang isang pitcher, kaya naghati-hati na lang ang may mga gustong uminom.
At nang dahil sa red iced tea, may nabuong low pressure area. Eh kasi ganito yun. Sana huwag pong magagalit sa akin ang mga may kinalaman. Nagkukwento lang po ako.
Itago na lang natin sila sa pangalang Red One, Green Two, Blue Three at Yellow Four. Umorder ako at si Red One nang red iced tea. Sabi ni Yellow Four, makikihati siya red iced tea na malugod naman akong sumagot nang 'sure'. Sa ibang pwesto naka-upo si Yellow Four, kasama si Blue Three. Nang dumating na ang serbidora (serbidora talaga?), ihahatid niya ang order sa pwesto nila. Ako naman, nag assumed na sa amin yun, kaya tinawag ko ang waitress at sinabi ko sa side namin i-deliver yun. Heto na ang sumunod na eksena.
Ako and Red One: Ay, dito po yung order nang iced tea.
Waitress: Pa-gora japan na aketch jan.
Yellow Four: Ay, jan ba yung iced tea. Sige, red one, laklakin mo lahat ang iced tea.
Joke lang yung sa waitress, pero parang ganun na rin yung sinabi niya. Pero medyo tinakasan kami nang dugo ni Red One sa sinabi ni Yellow Four dahil parang ha, parang may kasamang irap. Tapos sabi niya, umorder na lang daw siya nang panibago. Inalok ko sa kanya ulit yung iced tea kung bet na niyang kumuha kasi sabi niya makikihati siya, pero huwag na daw kasi nga umorder na siya.
Habang dineadma ko ang mga kaganapan, hindi na nakatiis si Red One na isangguni sa akin ang mga nangyari. Nag type siya sa cellphone at kunwari na may pinakitang text, pero pinabasa niya lang na medyo na-okrayan siya sa sinabi kanina. Ang sabi ko na lang, dumeadma na lang kami nang bongga.
Narinig pala ni Green Two ang aming usapan at sinabi niyang umorder daw nang red iced tea si Yellow Four bago pa kami umorder. Kaya siguro ganun yung nasabi niya nag i-served sa amin yung iced tea. Eh bakit nakihati sa amin si Yellow Four kung ganun? Saka ang alam ko, kahati niya si Blue Three kasi sila yung buddy? Chosss. So, si Green Two na lang ang naki-share sa amin.
Hala, first day palang, may naganap nang tension. Pero sabi naman ni C3PO, eh ganun talaga magsalita si Yellow Four. Yellow Four don't mean any harm daw. Pero, windang pa rin kami ni Red One. Kahit dumeadma kami, hindi na naalis sa isip namin ang naganap na eksena!
Moving forward, nag-enjoy naman kaming lahat.
Behs, Tin, A Em Sheils, Moi and Jules at the airport. Happy naman ang mga single ladies de vah?
Ang paplastik namin sa Mt. Tapyas!
Me and my boyfriend Brian. Ang sweet namin, no? Bwahahahhahahaha!






1 comments:
WINNERR TONG BLOG NA TO! BWAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAH! -tintin
Post a Comment