Natatabunan na ako nang kwento. Busy-busihan kasi eh. Ang dami pa kasing pica na nasa develop-an kaya paputol-putol ako. Anyway, heto na ang aking kwento sa pangalawang araw namin sa Coron.
Nung gabi pa pala muna, bago mag-second day, may nakakalurki na naganap. Naganap yun nung naligo na kami after a very long day nung first day. Tatlo kaming nag-share sa isang room at ako na ang naunang maligo since busy ang mga badette kaka-review nang mokshures at kaka-facebook dahil super-bilis nang internet connection sa isla.
Ang huling naligo ay itago natin sa pangalang Jepoy. Yung next sa akin na naligo ay itago na lang natin sa pangalang Nat. Lumabas muna ako after kong maligo para makipag-chikahan sa iba ko pang kasama, samantalang naiwan naman si Nat sa loob nang kwarto habang inaantay matapot maligo si Jepoy. Nakaharap lang sa computer si Nat, nag-review nang mga pictures.
Habang naliligo si Jepoy, narinig niyang tinatawag yung pangalan niya. Thinking that it was Nat who's calling him, he open the door of the bathroom to ask why. Nakita niya si Nat na nakadapa, nakaharap sa computer. Tinaong niya kung bakit. Much to his surprised (may ganun!) nagulat din si Nat nung tinanong niya. Sinabi ni Nat na hindi naman daw niya tinatawag si Jepoy.
Sabi ni Jepoy na narinig daw niya na may tumatawag sa name niya. So ano yun?
The same night, while all of us are in the middle of our sleep, nagising kami ni Nat dahil naririnig naming umuungol si Jepoy. So ginising ko siya. Nung nahimasmasan na siya, sabi niya, nananaginip daw siya nang bigla daw dumilim yung panaginip niya. Yun lang ang natatandaan niya.
Ano kaya itong mga nangyaring hindi naman maipaliwanag nang syensiya? Chosss! Ayoko na mag-isip at kukulot lang ang bangs ko.
So punta na tayo nang Day 2, Nov. 14
Call time is eight in the morning at mga alas 7, gising na kami to have our breakfast. Sosyal ang breakfast at sa pantry nila kami lumalaps na may nagse-serve. Kaya lang medyo tipid-tipiran naman the foodams, pero keri na kasi kasama yun sa aming package.
Ang una naming pinuntahan ay ang Lusong Gun Boat. It's one hour boat ride from the Coron port. Heto pala yung bangka na sinakyan namin.
Allen mode na ako nang mga sumunod na picas:
Heto ang pinakakatakot na part sa akin nang Coron - puro laot. Walang isla.
We snorkeled at Lusong Gun Boat. Ligayang-ligaya naman sila, de vah?
Heto yung Japanese shipwreck na tinubuan na nang mga lumot at corals. Shala no?
Hindi pala ako lumusong sa Lusong kasi afraidy aguilar ako dahil hindi pinark ang bangka sa may shoreva. Takot akong lumangoy kaya sa next stop kami sa Calumbuyan Island where we had our lunch! Iniisip ko pa nga kung one hour ang ride going back, paano kami makakapag-lunch nun kapag bumalik kami nang hotel? Yun pala, lunch by the island! Shala!
Parang bora because of the white sand!
Our lunch: inihaw na bangus, liempo, crabs at bananas for desert. Yung kabilang table na kasabay namin kumain eh hinog mangga yung desert nila. So, nagtaka naman kami kung bakit bananas lang ang sa amin. Yung etchosero naming tour guide, may bionic ears, narinig ba naman kami. Sabi niya, yun daw bukas yung nasa menu namin. Etchosero? Ahahahahhahaha!
Pagkatapos naming mag-lunch, nag snorkel ulit kami sa Coral Garden and East Tangat Boat. Medyo wala nang mokshures kasi low bat na kaming lahat.
Corals and sea anemones. Chosssss!
Ang huli namin pinuntahan ay ang Sangat island na white sand din.
Dahil sa dami nang bato, pumasok na sa loob nang damit ko at kahit maghugas ako, nandun pa rin ang mga maliliit na bato. Kaya naman pala ang kati-kati nang boobs ko, eh ang dami-daming bato sa loob nang damit ko!
This day rin pala naputol yung kuko ko sa paa. Ewan ko ba kung paano naputol, basta pagkita ko, nasira na yung kuko. Pinapahaba ko pa naman kuko ko sa paa, sabay mapuputol lang. Ang chaka - chaka pa nang pagkasira. Nakakainis tuloy.
Speaking of kuko, heto pala ang etchosero naming tour guide. His name is Jethro Tull. And if you'll research his name, para sa mga hindi na rock star fanatics na tulad ko, ipinangalan siya nang kanyang father sa rock star. Parang yung kapatid niya na si Jon Bon Jovi.
Sino bang mag-aakala na yung nakabilog na yun ang magpapatibok nang pihikan kong heart. (Yellow na ginamit ko kasi baka hindi siya makita)
Diyan ko unang nasilayan si Jabo. Na-magnet agad ang tingin ko sa kanya pagkita ko. Ang ganda kasi nang mata, ilong, at ngipin niya.
Sino bang mag-aakala na magkapatid sila?
Parang wala namang konek yung title sa entry ko? May isa kasi kaming kasama na IamSheils ang nick sa Twitter. Dahil sa isa pa naming kasama na badet, na-level up ang kanyan name when it was pronounced with a American Nigga accent. 'Don't yah kno who a em'? A em' Sheils.' The same day, naging WLS = words last syndrome. Well, hindi nga lang one day, dahil ngaun may hangover pa kami nang "A Em" slang na yan. Hence, the A Em Team.
At sino ba si A Em Sheils. Heto siya.
Fierce!






0 comments:
Post a Comment