Third Day

Day 3 - Nov. 15 I took more Allen pics. Allen means that you are using a Digital Single Lens Reflex camera in taking pictures and you feel that you are a professional photographer. Can I just say that not all pictures are taken by the owner of the camera so don't ever, ever judge a person by the pictures. Ay, akala ko nasa Twitter ako, nake-carried away na naman ako . . . Chos! Moving forward, heto na ang aking mga Allen pictures.

From the Coron port, we travel around 30 minutes to reach the first stop, Skeleton Wreck. Puro pagpapa sweet na snorkeling ang ginawa namin. Hindi na dapat ako lalangoy dahil ilang beses ko na ba sinabing hindi ako marunong lumangoy, pero dahil pinilit ako nang bonggang-bongga nang driver nang boat at nang a very special love ko na si Jabo, eh bumigay na rin ako. Nag-promise kasi siya na hindi niya bibitiwan ang salbabidang kinakapitan ko. So, naniwala naman ako at hindi niya ako binigo. :P






Dahil nagtiwala naman ako at hindi niya ako binigo, ilan beses ako nag- I love you, I love you, I love you soooooooo much kasi hindi naman niya talaga ako iniwan. At dahil diyan, lunch time agad!


We headed to the next stop - Banol beach.



Another white sand beach that you can find in Coron.



At first time kong maka encounter nang Starfish at this close!

Our Menu for lunch today are inihaw na fish, grilled chicken, shrimps and crabs, plus yung manggang hinog na nga na na sinabi ni Jethro kahapon. Super busog!

Nakakainis kasi na-injured ulit ako. Habang nagpi-pictorial sa mga mababatong bahagi nang beach, natapilok ako sa may bato. Akala ko, masakit yung part na natamaan at pag check ko, dumudugo na pala! So, medyo nagpa-star ako nang konti kasi masakit naman talaga yung nasugatan at mahapdi. Pero alam ko, mas major yung nangyari sa isa naming kasama na itago na lang natin sa pangalang Tin. Habang kinukunan ko siya katabi nang starfish, biglang nangati ang paa niya. Yun pala, may dumikit na dikya. Hindi agad namin napansin dahil transluscent ang mga dikya (taray!)

Mga bandang 2 in the afternoon, tumulak na kami papuntang Twin Lagoon.


Super shala nang Twin Lagoon. It is surrounded by big rock formations. To swim, you need to pass to a narrow opening on the side of the mountain. I know, so afraidy aguilar!


Ayan yung opening oh, medyo maliit lang yan. Kelangan mo pa yumuko para makapasok sa loob. At dito na nangyari ang isang makapanindik at masalimuot na eksena.

Dahil hindi talaga ako marunong lumangoy, nagpa-stariray na naman ako at sinabi kong magpapa sweet na lang ako. Pero dahil pinilit na naman ako na lumangoy na usapan eh nakakapit lang ako sa salbabida, pumayag ulit ako. Pero this time, hindi na si Jabo my labs ang nag-assist sa akin, yung isang bagets na kasama namin. Kasama ko sa salbabida si A Em Sheils, so dalawa kaming karay-karay niya.

Sa madaling sabi, nakarating kami sa gitna nang lagoon. Very calm ang water kaya naman nakaka-relax sa loob pero nakakatakot at the same time kasi parang mai-imagine mo na bigla na lang may susulpot sa ilalim para hilahin ka at dalhin sa kailalim-laliman nang tubig.

Siguro dahil sa sobrang ka-OAyan ko dahil sigaw ako nang sigaw kapag gumegewang ang aming salbabida, pinagtripan ako nung isa naming kasama na itago natin sa pangalang Glenn. Hala, may kung anong galak siyang nararamdaman kapag nakikita niyang takot na takot ako. Hinila niya ang paa ko at hinawakan ako sa kaliwa kong kamay. Sinabi niya na hindi ko daw kailangan nang salbabida dahil naka-life vest ako kaya magfo-float ako. Ibinato niya papalayo ang salbabida dahil nakabitaw ako at binitawan niya ako. Nahawakan ko naman siya sa kamay niya kaya hindi siya nakalayo sa akin, sabay nagsisisigaw ako nang tulong! Pati yata nanay ko tinawag ko sa sobrang takot!

So kamusta naman ang nangyari sa akin dun no, hindi talaga mabuti, kasi kinabahan ako at kumabog ang dibdib ko. Para sa hindi marunong lumangoy na katulad ko, hindi magandang biro yun (seryoso ako niyan ha) Nung napansin na ni ate Glenn na tunay na ang mga luhang aking iniiyak, pinakapit na niya ako sa salbabida at dun lang ako tumigil nang kakasigaw. Simula nun, tumahimik na ako (pero hindi naman the whole day na hindi nagsalita) Natakot naman talaga ako, kasi naman weh. Fear ko ang maiwan sa gitna nang laot nang walang kinakapitan.

Kaya yung mga sumunod kong eksena, nag pa sweet na ako kaka picture nang mga school of fishes. Taray!




Ba't parang hindi kumpleto yung mga isda? Siguro may mga bumagsak sa kanila? Chossssssss!

Pagkatapos mag-pa sweet, ang sumunod naming pinuntahan at ang Kayangan Lake. IT is one of the freshest lake in the country - wala daw kasing kaalat-alat!





Hindi na ako nag-dip kasi may after shock pa ako sa mga nangyari sa Twin Lagoon. So pinicturan ko na lang yung mga suso sa lake.



Nakakapagod naman 'tong ginagawa ko, parang gusto ko na tapusin.



Mga isda yan, promise! At mga bread pieces of bread yung mga puti. Ang sabi nang mga chismosa sa amin, eh 80% daw nang mga fishes sa Ocean Park, kinuha sa Siete Pecados. Ang laki naman, di kaya maubos ang mga isda?

Shet, inaantok na talaga ako, bukas na ang day 4 at iba pang kwentong barbero .




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment