GSHUCK One more time

I'm reposting the good ol' classic Gshuck which always left me to wonder, what if. .

_____________________________________________________________________________________

Hindi ko alam na may mga nilalang pa pala na nag e-exist sa earth na salat sa iodize salt. Mura lang naman ang isang balot nun sa supermarket, pero sadyang tig-pipiso lang na rock salt ang can afford bilhin kaya nagkakaron tuloy ng deficiency ang utak.

Habang nag di dinner kami nun ni CEO Ruiz sa isang mall sa Cubao para manood ng sine, isang text ang na receive ko.

Cn u be a txtm8? Pls txbak . .

Hindi ko na na-analyze ang text ng kung sino mang herodes kaya hindi ko napagtanto na may kakulangan pala siya sa pag iisip. Since naka unlimited text ako at Smart user siya, pinatulan ko ang text niya. Maya-maya, sumagot na siya.

im ask u.u a grl or nut? Jst col me G-SHUCK dts my real name?txtbk.

Sumakit ang ulo kakaisip kung ano ibig niya sabihin. Muntik na hikain ang kasama ko para lang mai-translate ang mensahe na ibig niyang iparating. Sa sobrang asar ko, sinabihan ko siya na tanga siya kaya ayaw kong makipagtiksmit sa kanya.

Dnt sy m tanga.pls tok properly u pla ang tnga eh?kta muayn nkpagtxt lng ako sbhn u n tanga m anu kyayn.

Bigla akong nagkaroon ng migraine at sumakit ang ulo. Nahilo ako at nahimatay ako. Pag gising ko nasa hospital na ako.

Sry im nt col u bcuz u s2pd tokers eh.

Ako pa daw stupid tokers? Inaayos ko nga sinasabi niya dahil kahit instik , di maiintindihan ang ibig niyang sabihin eh.

Nang gumaling na ako, and declared anthrax-free ng mga duktor, tinext ko ulit si G-SHUCK. Tinanong ko kung ano yung tunay niyang pangalan. Yung bigay ng nanay at tatay niya. Sabi niya,

My Real name is BRAZIL. Dat's my real name? 22 y/o old 59 ht.'

Akala ko twelve years old lang kausap ko! Twenty two na pala siya, eh bakit siya ganun makipag usap? Nakakamatay. Muntik ko nang ikamatay. Brazil? Napaka exotic ng pangalan, parang yung mga reply niya!

Dnt kol me stupid. Im not salbakutah . .

Totoo ngang nag eexists sa mundo ang nilalang na nagngangalang G-shuck. Saksi akong nagpatotoo ng nakita ko ang kanyang kariktan na nakadisplay sa kulay pink na waiting shed ng MMDA.

Sa malayong anggulo, para siyang isang bituing marikit na napalilibutan ng marurumi at maiitim na usok na buga ng mga sasakyan. Matayog ang kanyang tindig, makisig, matcho, ang katawan niya ay siksik na siksik, halatang nagpapalipas ng oras sa mga lugar na kung saan ay pugad ng mga nagpapapanggap na mga lalaki upang maitago ang kanilang karumal-dumal na mga sikreto sa buhay.

Naka red t-shet sha, sun visor cup, blue panse at white na shoes, pero nung una niyang sinabi sakin eh naka black t-short siya at lose na panse?

Nahihiya pa daw siyang makipag kita sa kin dahil kulang ang bdjt niya, 300 lang daw pero sabi ko ok na dahil short time lang naman kami.

Mapuputi ang kanyang pantay pantay na ipin, kahawig niya ang artista na si Jericho R at kabababayan niya siguro si Archie Llamanzares na jowa ni Madam Auring.

To make my description short, mukha siyang buhay na ehemplo ng Viva Hotmen, Masculados at ng iba pang All Men Group na nag gi gym araw-araw.

Mas makakabuti pa na idaan na lang sa text ang lahat ng usapan kesa kausapin mo ng harap-harapan dahil baka maihi ka lang sa kakatawa pag kausap mo siya.

Nag ramp model siya sa One Heart Club sa may Timog. Fashion Model daw siya doon. Ang iminomodel daw nila ay trunks, at dahil duon, isang buwan lang daw siya ng fashion model at naghahanap daw siya ng bakla para maituloy ang kanyang career.

Kung babe ang tawagan ng magsing irog sa isat isa, Bhey naman ang napili niyang itawag sa kanyang pinakaiirog. Mas kyut daw pakinggan.

Isa pang kakaiba sa kanya, ay ang mahahaba niyang kuko na may clear polish at mertiolate sa gilid - gilid ng kuko tila bagang mga kuko ng babae?

Bading or kolboy?

Kaya nga g shuck eh.

_____________________________________________________________________________________

Nakalimutan kong idagdag sa masterpiece na ‘to na niyaya niya pala akong makipag-live in sa kanya at titira daw kami sa apartment. Nung tumanggi ako sa kanyang tempting na alok, binantaan niya ako na magpapakamatay na lang daw siya at iinom nang tyodan.

Hindi ko na matandaan ang mga sumunod bang nangyari nun dahil hindi na siya nagparamdam sa akin. Nagpakamatay kaya siya? Siguro, kung sumama akong makipag live in sa kanya, hindi na ako malolongkot pa. .

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment