I have a special attraction towards Hippopotomonstrosesquippedaliophobia among my other peers. Bakit nga ba? I really don't know. Maybe it's because I find something so special about him that I don't see on others. Hala, may ganun?
Well, a while ago, Hippopotomonstrosesquippedaliophobia asked me to join him to burn his lungs at the lung center. Hippopotomonstrosesquippedaliophobia is on his lunch break and I was already out. He patiently waited for me to finish my work and pack up my things before I accompany him to go outside. Putek naman, nakakakilig kaya! Gusto niya daw kasi akong makita kung paano ko sunugin ang baga ko! First time niya yata akong makikitang mag-yosi.
Back then, when I did a favor of buying him a snack ( I just bought it since I'm on a break, hindi ko pera yun, defensive lang), he told me this exact words na muntik na akong hindi makapag-react nang maayos. Sabi niya after I gave him the goodies "Thank you, DJ. Mahal na yata kita. . " OMG. OMG. OMG. Good thing, I am not facing him when he said that, so he didn't see my Close Up smile and my twinkling eyes. I was able to recover immediately. I turned to him and said, "Wag kang ganyan. Baka maniwala ako. " cracking a big laugh after.
Hindi na kasi puedeng landiin si Hippopotomonstrosesquippedaliophobia so hanggang pagpapa-sweet lang ang kaya kong gawin. Unang una, magkatrabaho kami. Baka maapektuhan ang aming work. Chos! Pangalawa, taken na rin si Hippopotomonstrosesquippedaliophobia. (bakit nga ba ako lapitin nang taken?)
Saka mahirap nang maging fatal ang attraction. Baka mamaya bigla ko siyang i-text na "Alam mo ba, masaya ako na nakasama kitang mag yosi sa baba" o kaya "Totoo ba yung sinabi mong mahal mo na ako dahil binilan kita nang donut?" Baka naman ibang award ang mabigay sa akin.
So, itago na lang natin siya sa pangalang Hippopotomonstrosesquippedaliophobia para hindi na maging complicated ang lahat.
Ay . . Pa- intriga?






0 comments:
Post a Comment