Napa-OMG ulit ako nang mabasa ko from e-mail notification na kinonfirmed na ni Apol ang aming friendship sa fezbuk! Siyempre, soooooobrang excited akong makita at ma-browse ang mala Ginoong Pilipinas niyang katawan! At heto ang mga tumambad sa aking fezlaks. .
Medyo kinabahan ako habang ginagrab ko ang mga yan. May kung anong force humihila sa akin na pagmasdan ang mga pica habambuhay at parang okay lang sa akin na nakatulala at yan lang ang tinititigan.
Pero teka, ba't parang hindi siya kyut dito?
Okay. Thank you po. Masaya na ako sa first two pictures.
But seriously, sobrang na sad ako nang mabasa ko na taken na pala siya. He's already married to his long time girlfriend and they have two kids. Siya rin yata yung girl na sumabotage sa amin nung nagsisimula pa lang ang aming love story. Chossss! Parang naiinggit na tuloy ako. . . Paano kaya kung kami nagkatuluyan? Magpalaki kaya rin siya nang kanyang katawan nang katulad sa picture para hindi ko siya hiwalayan? Etchossss!






0 comments:
Post a Comment