He was awarded as the Most Valuable Player in our recently held interbasketball championship garnering a high average in points, rebounds at kung anek-anek pang ka-ek ekan nang basketball.
Well, kelan ko lang naman siya natuklasan sa aming floor nang minsang nag pang-abot kami. Hindi kasi kami pareho nang sked, so nung nagkaron nang 'rare' opportunity na nagsabay ang aming schedule, nakita ko ang effort niya nang dumidisplay siya sa floor. Medyo nalaglag ang panga ko kasi medyo, as in medyo may ka-cutan siya nang mga moment na yun. At super na-excite ako kasi naman, minsan lang magkaron nang effective na boylet sa paligid ko, kaya naman binigyan ko agad nang trabaho ang aking research team para hanapin kung ano ang namesung ni kuya at kung single pa siya.
To cut this long story short, eh nahanap ko na siya sa fezbuk and to get to the bottom of this story, in-add ko na siya. May common friends na kaming dalawa, tinandaan ko habang waiting for confirmation ako nang aking invitation to add me as his friend.
Heto na. Aba, lumipas na ang forty six years eh hindi pa ako ina-add ni kuya. Why naman kaya? Baka naman pagod lang kaya hindi ma-open ang fezbuk o baka naman nakalimutan ang password kaya nire-reset pa. So pag check ko nito lang nang kanyang profile eh in-add niya yung isa ko pang ka-officemate na crush ko na he shares the same name! Aba, dineny passpost ako! Pa- VIP naman 'tong tao na 'to!
Sino ba siya sa akala niya? Hindi naman siya kagwapuhan ha. . At tigilan niya ako, dahil minsan lang ako mag invite nang mga i-a-add at hindi na mauulit yun. Hmmpppf.
Ang haba pa naman nang dila ni Patrick Garcia. Yes, kapangalan niya yung actor na naanakan si Chenelyn Mercado. Na-excite kasi ako, ibig sabihin madaldal siya kasi ang haba nang dila niya? Pero dahil hindi niya ako in-add, bahala siya! Hmpfffff!
Oo na, bitter na ako kung bitter! Hmpppfff!







0 comments:
Post a Comment