Hindi Na Ako Inspired!

Ayan kasi ang kulit eh! Nauuna pa ang mga pangarap kesa sa reality eh hindi pa nga natatanong ang basic information!

Off ko ngaun at kung kelan wala naman ako sa office, matagumpay na nagawa nang aking research team ang limang araw na bumabagabag sa ak ing isipan - kung single pa siya.

Kahapon kasi, hindi siya nagstay nang matagal sa office para sa kanyang project at nagmamadali siyang umuwi. Madalas nag nag-stay pa siya nang mga limang oras para tapusin ang kanyang mga characters. Sabi kanina nang aking impormante, nagmamadali na naman siyang Cu-mairo, Egypt, so hinabol pa siya nang bong na bong para tanungin ang 48 million worth na question! At doon na simulang gumuho ang aking mga pangarap!

Nakakaloka! Kakagising ko pa lang nang makatanggap ako nang text messsage at medyo mainit pa ulo ko kasi ginising ako nang kapatid ko. Hindi na rin naman ako na-shocked sa masamang balita dahil na-anticipate ko na. Nakaka-imbyerna naman, kung kelan ready na ako, eh sila pala ang hindi ready akin. Hmpfff.

Ano kayang magandang gawin mamaya? Maglaslas nang pulso, magbigti o uminom nang tyodan?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment