Ano ba, hindi ako inspired!

Busy kasi ako sa office eh! Chos!

I never thought na magiging busi-busihan ako sa office simula nang pag-pasok ko nung Wednesday last week. We have an inter- company Christmas competition and all accounts are expected to join. Nagsimula ang lahat nang niyaya kong mag-lunch ang BFF ko na itatago na lang natin sa ngalang 'Nat'. When I fetch him on his station and he's nowhere to be found, nasa pwesto lang pala siya nang isang Team Manager na naging classmate ko nung elementary days. Thanks to Nat, we are now acquainted kahit wala na siyang memory about me samantalang ako meron pa (hindi ako bitter). Siya ang head nang committee nang mga designers para sa competition. They are discussing on what would be our theme when I approached them. I have no idea kung ano yun, but I volunteer myself to help nang kahit anong makakaya ko. On the same day, they started to shop for the materials we will going to use.

Ang napag-usapan na theme ay Hongkong Disneyland (Hongkong talaga!) at balak na magsabit nang mga hidden at showing Mickey sa ceiling at mag-post nang mga Disney characters sa stations! May isang talented na Level 1 phone agent na super career sa pag-drawing at pag-design na gagawa nang mga characters. When we had our lunch for that day, he was introduced to us. Last November, in the spirit of halloween, nagkaroon rin kami nang inter-account competition at sila ang nanalo nang first prize for the Super Mario Theme. Halos nakumpleto nila yung mga sinabit nilang drama - may bricks, coins, mushrooms, flowers, gumbas at mga effects ni Super Mario saka may musical scoring pa! Nakakaloka! At ang hindi ko kinaya, eh ang carapace ni King Koopa! Nung nakita ko pa lang yung base, plain white board pa lang at hugis bahay nang pagong. Nung natapos nang gawin, kulay green na at nalagyan pa nang thorns! Balak ko pa sana nga magpa picture dun suot yung carapace dahil sorang nagandahan ako, kaya lang hindi naman ganun ka-kapal ang fezlaks ko, so tamed lang naman nagkasya na ako na tignan na lang yun from a far.

I expected too much na may mako-contribute ako sa project na ito. Kinabukasan hindi ko naman inaasahan na ibubuhos ko ang buo kong energy sa pag- cut out nang mga snowflakes at Mickey Mouse heads na isasabit sa ceiling! Sinabi ko lang naman na sagot ko na ang cut out at akala yata eh expertise ko yun so pina-cut ako nang sangkatutak sa folder! OA ha! Buti na lang, mayroon akong team at sila ang tumulong sa akin kaya kahit medyo hagard sa beauty. Naka-smile na lang kami habang nagka-cut. Pagkatapos nun, papaliguan nang glitters ang mga cut outs para mag-mukhang shiny, shimmering, splendid kapag sinabit na. So, tinodo ko na ang pag-bubudbod nang mga glitters kesehodang wa-poise! For the next few days, me and my team spent the rest of our lives sa pag-didikit nang glitters.

Kinarir ko talaga ang paglalagay. Kapag may mga portion na namissed or hindi pulido ang pagkabudbod nang glitters, eh nire-retouch ko. At nagagalit ako sa aking team kapag hindi nila inaayos dahil ako ang mapapahiya sa aming head committee saka siyempre dun sa aming artist na kumakakarir sa pag-design nang Disney characters!

Hindi pa ako puedeng magkwento kasi . . kasi . . hanggang ngayon, hindi ko pa malaman ang dapat na malaman ko na basic na information! Ang tagal kasi kumilos nang mga bata ko eh, papapatay-patay sa pagiimbestiga! Nakakainis na nga! Ilang araw na akong hindi mapakali at kahit naman pasmado na ako kakagupit at budbod nang -glitters, tinitiis ko!

Kasi, ano . . . Nung pinakilala kasi siya at nung nagsasalita na siya at nung pinupuri ko yung carapace niya na hindi mawala sa isipan ko, may nakita akong spark! NAKAKAINIS TALAGA! Hindi ko naman inaasahan kasi eh!

Kaya hayun. Ano ba, hindi nga ako inspired gumawa! Ayoko lang mapahiya!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment