Kairita ha!
Hindi naman sa nagdadamot ako ha, pero nakakairita eh! Pa-sneaky na gamitin, malalaman ko na may iba pa palang gumagamit bukod sa aming mag-shupatid nang laptop ko. Kasi naman eh, wala naman problema dun, ayoko lang na para bang may maitim na balak ang mga gumagamit kasi palihim pa. Alam siguro kasi na hindi ako papayag! Ahahahahaha!
Nakakaloka. Kapag wala ang pusa, doon tumitiyempo ang daga!
Paano ko nalaman? Kasi hindi ni-log out ang Multiply account! Ayan, nabubuking tuloy!
Naisip ko agad na turuan nang leksyon si kuya by deleting his account, pero masyadong OA naman yata yun. Wala naman akong personal na galit sa kanya, matinding galit lang kasi tinotolerate niya ang kuya ko na BFF niya na gamitin ang lappy ko.
Hindi naman ako masama. Nag-post na lang ako nang tungkol sa balitang showbiz saka sinet ko for everyone yung account niya. Kakairita naman kasi weh! Tatago ko na nga ang laptop ko at i-pa-padlock ko!
Ahahahahhahahahaha! Ang damot!






0 comments:
Post a Comment