Sa Puso ni Jabo

Ito ang pinaka-favorite kong entry from the Coron adventure. Wala nang mas sasarap pa kapag natikman mo ang tamis nang bubot na pag-ibig. Malay ko bang masusumpungan ko ito sa pagpunta ko sa Coron?

Meet Jabo.


Natulala ako nung nakita namin siya when we had our lunch nung second day nang tour. Ang ganda nang mata niya, ilong, ngipin at lalong lalo na ang kulay niya! In short, ang pogi niya!

The same day, nayaya namin siyang bisitahin kami sa pinag-stay-an naming hotel dahil according to another fellow na super bet din siya, willing si Jabo na puntahan kami doon. Akala ko naman, ine-etchos lang ako ni fellow, kasi ako pa pinakausap nila sa phone para i-convince si Jabo. Sabi niya, sasaglit lang daw siya dahil baka pagalitan siya nang kuya niya at nang tinanong ko kung nasaan siya, hindi naman niya ako sinagot na "nasa puso mo". On the way na daw siya papunta sa hotel namin (Darayonan) at wala pang 5 minutes, umarrive na siya!


Ayan yung kuha namin habang nagiinuman. Isang shot lang daw siya puede, kasi baka pagalitan siya nang kuya niya, pero hala, inubos naman nila yung isang pitcher na mix nang juice at alak. Nanood pa ako nang PBB kaya nag-BRB ako sa kanila at paglabas ko nang mga 11.30, umuwi na siya.

Bagets pa lang si Jabo, 18 years old at taking up the course HRM sa college sa mga Coron. Nadaanan namin yung school nung pauwi kami. Enrollment nila nung Monday na pauwi kami kaya hindi na siya nakasama nung ihatid kami paalis.

Siyempre, marami kaming moments together at pictures together.


Sa tricycle na kayang i-accomodate ang walong tao.


At Banol beach. Injured ako niyan kaya medyo 'sad' ako.


Banol pa rin.


At sa Kayangan Lake! Lahat grinab ko na, no!

Ang hindi ko kinaya kay Jabo eh nung nag-mala Gardo Versoza siya sa harapan ko. Kumuha siya nang tubig sa water dispenser. Akala ko iinumin niya dahil medyo kinalahati niya yung bote, yun pala ibubuhos niya ulo niya. So, imagine na lang kung paano ako na-shock!

Mas mabilis pa yata yung kabog nang dibdib ko nun kesa sa nung iniwan ako sa gitna nang laot nang walang salbabida.

Nakakaloka!



Uber sa hotness ang bod niya!

Nung umuwi na kami sa Manila, nag-promise si Jabo na magiging textmate kami. Kaya lang, Sun ako at Smart siya. I tried texting him nung nandito na ako sa Manila, na-receive naman niya so may pag-asa kami. At nilinaw ko sa kanya na Sun ang number ko at hindi yung Smart na number na hiniram ko sa isa naming kasama na pinangtawag sa kanya. Ang linaw niyan ha.

After two days, nabasa ko na lang yung e-mail nang isa naming kasama tinawagan daw siya ni Jabo dahil akala niya number ko yung number niya na ginamit ko nun pangtawag sa kanya at kung hindi pa sinabi sa kanya na hindi ako yun, eh hindi maniniwala. Nyiii, eh sinabi ko na sa kanya na Sun ang number ko. Naka-indicate rin sa email na nagpalit na siya from Smart to Globe number. Akala ko hindi na niya fo-forward yung number niya sa akin, late ko na na-received. Madaling araw siya nag-text at hapon ko na natanggap yung message. Ang tagal, nainip ako!

Sa madaling sabi, naging mag textmates din kami. Mga pa-sweet lang naman ang mga texts namin, hindi ko pa siya naaalok nang bahay at lupa. And swear, kinikilig ako kapag tinetext niya ako.

Pero one day wonder lang yun kasi tinamad na ako i-follow up ang aming naging conversation nung isang buong araw. Nabasa ko kasi sa aming e-mail correspondence nang team A Em na ka-textmate rin pala nila si Jabo at uber updated sila sa kanya. Eh akala ko pa naman ako maguupdate sa kanila. Hmppff. Lahat pala kami ka-textmate. So minabuti ko nang tapusin ang kahibangang ito. Chosss!


Heto ang pinaka-favorite kong kuha niya. Ang pogi niya no? Ano na kaya magiging hitsura niya after 10 years? Ganito pa rin kaya siya kakisig?




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

ellie said...

ewan ko kung bakit tawa ako ng tawa sa entry na 'to. wahahahahahahaha!

pink sleeve said...

Hahahahahahah! Parang gusto ko nang isara 'tong blog ko!

Post a Comment