Weh, feeling ko may gusto na siya sa akin weh.
Wala pa rin kaya siyang josok kanina, pero nagulantang na lang ako nang nag-appear ang fez niya sa station ko at nagtatanong kung saan isasabit ang isa pang character na ginawa niya. Nakakahalata na ako eh, gumigimik lang ang isang 'to. Kagabi pa kaya ang judging night at bakit may hinahabol pa siyang character Hala, obsessed na yata siya sa akin eh! Ahahahahahhahahahah!
Shet, hindi ko talaga kinakaya ang naganap na eksena kanina. Pinairalan niya ako nang mongolian accent niya nung tinanong niya ako. Siyempre, I was not expecting it, I swear, so dinaig ko pa si Carol nang PBB sa sobrang pagpapasweet nung sinabi kong ikabit na lang niya si Donald Duck sa may bandang likod, katabi nina Winnie the Pooh and friends. Merong siyang assistant na kasama dahil kailangang ibitin si Donald dahil baka bumigay nang katulad nang nangyari kay Minnie.
Ewan ko ba, eh matagal na namang mag jowa sila Mickey and Minnie at kung bakit pa naisipang magpakamatay ni Minnie. Nagkaron nang freak accident nang biglang tumalon si Minnie at sa kasawiang palad, napugutan siya nang ulo. Dali-dali naman siyang sinugod sa orthopedic ward sa hospital kaya naresuscitate din siya. Nang medyo okay na si Minnie, binalik siya sa kanyang post, wearing a neck brace, but she still rocks! Chos! Parang walang trace nang pagpapakamatay. Akala nang lahat okay na, pero twice ulit nagattempt na tumalon si Minnie at sa harapan ko pa! Kaya naman na-scared ako for her life at tinumba ko na muna siya for the meantime.
So siyempre, heto na nga, dumating na siya at ini-etchos niya ako tungkol kay Minnie. Napansin niya siguro na seryoso na yung pagkatakot ko na hindi ko na kakayanin ang isa pang suicidal attempt ni Minnie. Kaya gumawa na siya nang paraan para hindi na gawin ulit yun ni Minnie. Gumawa siya nang base at ginawang backbone ni Minnie. Super explain pa siya nang physics kung bakit daw nagpapakamatay si Minnie at all out support ang backbone ni Minnie kaya hindi na niya ulit gagawin yun.
Pero, parang hindi naman siya obsessed sa akin Eh kasi nung tapos na si Minnie, bigla na lang siya umalis! Hindi man lang nagpaalam sa akin! Nakakainis naman yan, oh. Chosssss! Ahahahahahah! Shet, bukas may josok na siya! Hindi ko na kakayanin kung magkakaron na namin kami nang isa pang eksena!






0 comments:
Post a Comment