Minsan talaga, gumagana ang pagka-inner stalker ko nang hindi naman sinasadya. Eh kasi kanina, wala siyang pasok pero jumosok siya para tapusin ang art attack na siya naman nagsimula. Ano bang magagawa ko, eh pagtayo from my chair, yung bay nila ang nakikita ko. Aba! Terno si kuya - nama-match ang cap sa shirt niya. At siyempre, kinilig ako. Ahahahaah! Parang yun lang no?
Tonight's gonna be the big night dahil judging night na pero hindi pa rin kami tapos sa pag set up kaya pinapaspas namin lahat. Busi-busyhan siya kaka cut out nang mga characters sa styro kaya nandun lang siya sa pwesto niya nang may kinailangan akong kunin at kelangan kong rumampa sa harapan niya. Siyempre, inisip ko na muna mabuti na dapat pretty ako pagpunta ka dun at dapat mapapatingin siya sa akin. Kaya pagpunta ko, kinuha ko lang ang mga materials na kelangan kong kunin at umalis na ako. At nakita ko, SINIPAT niya ako! Sheeeeeeeeet! Hindi ko man lang siya binati. Nakakainis naman! NAHIYA kasi ako kaya hindi ako tumingin kaya nag suplada mode ako! Naisip ko agad na kelangan kong bumawi!
So yung sumunod na eksena, may kelangan akong kunin ulit sa pwesto niya kaya pagkakataon ko nang bumawi. Kaya naman pagdaan ko, nag smile na ako nang super sweet at sinabi ko na ang linyang kanina ko pa papina-practice. Naka-yuko siya, busy sa pagdidikit nang mga characters sa Styrofoam. Nag- 'HELLO' ako sa kanya. Hala, DINEADMA niya ako! Nakakainis naman! Nag hello na nga ako, dineadma ako!
Aysus, parang yun lang no! Hindi naman ako na-depressed dun. Inabot na kami nang anong petsa kakakabit nang mga decorations na halos 2 weeks na namin binubuno. Sa amin naka-focus ang mga decorations at yung fear ko na tumambay siya sa aming station eh nangyari na! At isang malaking shet talaga! HINDI KO SIYA KINAKAUSAP AT TINIGTIGNAN! Nakakaloka naman ako neto! Dinaig ko pa ang sarili ko kapag nakikita ko nang papalapit ang crush ko!
Ewan ko ba kung bakit ganun ang eksena kanina, eh mukhang wala namang siyang kamuwang-muwang. Sa madaling sabi, nakabit na ang dapat ikabit kanina bago ako umuwi. Tapos na ang project at tapos na rin ang pakay ko sa kanya, so hanggang saaan hahantong ito? Ahahahahaha! Pero bukas, pramis, magpapakasweet na ako. Ehehehehehe.






0 comments:
Post a Comment