Pag uwi ko galing nang trabaho kanina, hindi pa naman ako ginulat sa nakakarimarim na balita. Buong giliw pa nagkukwento ang kapatid ko at pinapademonstrate sa aming pamangkin kung paano daw ang nangyari kay Andak. Dahil wala sa mood ang bagets at ayaw sumagot nang maayos, tinuloy lang nang aking kapatid ang pagkukwento.
Kaninang mga umaga, habang natutulog si Andak, parang hindi na daw gumagalaw. Kahit ginising na nang kapatid ko, hindi pa rin kumikilos. Dati kasi, kapag nakarinig nang kalabog, biglang nagigising yun. Pero kanina, nasisikitan na siya nang araw at mainit na sa pakiramdam, pero nananatili pa rin siyang nakapikit.
Bigla akong pumunta sa kusina para i-check kung wala na ba talaga si Andak. Si Assunta lang ang aking nakita. Ang natira na lang sa kanya ay ang dog tag at chain na nakaposas sa kahoy.
Sabi nang kapatid ko, hindi na daw nilibing si Andak. Tinapon na lang siya.
Hindi kami close ni Andak, kasi unang-una, takot ako sa aso. Pangalawa, may pagka maldita siya. Hindi ko matandaan kung kinagat niya ako, pero alam ko, yung kapatid ko nakagat niya nang slight dahil wala namang dugo nung nakagat siya.
Pero heto, sure talaga 'to. Naiyak ako kanina, kasi halos 10 years ko rin nakasama si Andak. Saka nakita ko kung paano siya naging matamlay at pumayat bago tuluyang na-tegi.
Ayan, napapaluha na naman ako. . .






0 comments:
Post a Comment