Who would have thought that tonight would not be the same old routine for me? It was just the right timing that I am craving for chicharong baboy I saw from bazar which look so scrumptious that it like begging me to buy it. It seems that it was my destiny to bumped with a good ol' friend, Ello, who dropped by at the building to get her tickets for a concert at Araneta from her sister, who is working inside the premises and it's good for two. Siyempre, hindi na ako nag tatlumpung-isip pa, sumama ako agad sa concert!
Little did I know that it was the Bro, Ikaw ang Star nang Pasko concert we will be watching which I think, is the Christmas Special of ABS-CBN. All of the kapamilya stars I could ever think of are present, except of course from Sharon Cuneta (maybe because Gabby Concepcion was there), Willie Revillame and Sarah Geronimo. Bakit kaya wala si Sarah?
At heto na ang pinakamalaking scoop ko na natuklasan ko sa concert. Now, I can say that I already know the reason why did Claudine Barreto transfer to Kapuso network. Grabe, may purpose pala ang panonood ko nang concert! It was announced at the middle of the show the teleseryes that channel two have in stored for the year 2010. It was also announced that Ms. Judy Ann Santos was the hailed QUEEN of Primetime Teleserye! She was given tribute and her more than two years in the making 'Nurserye' Habang May Buhay was announced as one of the teleseryes will be shown next year. Kung ako rin naman si Claudine, mag tatampo ako sa channel two. After being loyal with them since childhood, si Juday pa ang tatanghalin nilang Queen of Primetime Teleserye? Well, Juday did one teleserye Channel 13 (Ula: Ang Batang Gubat) eh si Claudine hindi pa naman umaalis sa bakuran nang dos para gumawa nang ibang teleserye. Ohveer!
Dahil sobrang saya nang concert na ito dahil parang nanonood lang ako nang live na ASAP na halos present ang lahat nang Kapamilya Stars at nakamayan ko pa si Gabby Lopez sa sobrang kakapalan nang face ko, mamimigay ako nang awards! Nakakaaliw pala mamigay nang awards habang nanood nang show!
Unang award, dapat hindi Bro, Ikaw ang Star nang Pasko ang title. Dapat, Rachel Alejandro, Ikaw ang Pa-Star nang Pasko dahil sa kintab nang kanyang dress while performing on stage. Black, grey and white ang theme nang mga kasama niya at siya ang namumukod tanging Silver ang kulay! Ginamit niya naipon niyang foil kaya naman kumukutikutitap ang kanyang dress! But it was just only for a few moments dahil nung may mga iba pang numbers si Vina Morales, siya na ang nag-bag nang award dahil gintong palara naman ang kulay nang dress niya at ang pang finale niyang gown ay silver! Winner sa kutitap at busilak!
Second award - para sa kategoryang bigay todo sa pagpe-perform - Laarni Enriquez! Buhay pa pala siya at bigay todo talaga siya sa paghataw sa dance floor. Second runner up si Ms. Zsazsa Padilla sa pagikot pa sa pagsasayaw to the tune of Dancing Queen yata.
Third award goes to Wendy Valdez para sa category na "May sariling mundo ako: Hindi na tuloy kami sabay-sabay". Ayan kasi, mahilig manguna saka wala naman masama kung sabay sabay silang sumayaw nang mga kasama niya para naman hindi magmukhang halata na kulang sila sa practice!
Fourth award is "All Around Star" - para sa mga stars na buong giliw na kumanta at paulit-ulit na kumakanta on the entire show. Marami sila - si Rachelle Ann Go, Jed Madela, Karylle at Erik Bautista. I swear by the moon and the stars in the sky, ang dami nilang production numbers at ilang beses sila kumakanta!
The fifth award is for the category "Most Innovative Look" dahil parang siyang 'Lady Gaga' of the show goes to Rachelle Ann Go! Sino bang makakaisip na dapat magmukha siyang kakaiba that night at nagmala-kinuryente look ang kanyang lovely locks na bumagay sa kanyang isang Halloween theme dress - black and orange color. In fairview, pretty-prettyhan ang lola mo! Bagay na bagay naman sa kanya ang kulot-kulutan look!
Hetong susunod kong award ay very, very special kasi very rare lang ang mga ganito - "No Spark Tandem" dahil wala talagang kachemi-chemistry ang kanilang tandem. Para kasing nagtuturuan pa sila kung sino ang mauuna "Ikaw na. . " "Hindi, ikaw na..." at sila ay walang iba kundi si... Cesar Montano at Ms. Korina Sanchez! Ahahahaha! Kaya please remember, wag na sila pagsamahin dahil wala talagang chemistry!
Ang "Buti na lang maganda ka" awards (yes, dahil dalawa sila) go to - Ms. Ruffa Gutierrez dahil sa pagkaka-twang (read: pronounced with American Accent) niya nang tagalog word na "pasisiyahin" at si Ms. Lara Precious Quigaman sa tagalog word na nakalimutan ko na. Pero, nakabawi naman si Ruffa, kasi napansin niya nag nagtawanan kami (audience) nang magkamali siya at pumanchline siya nang "Pinagtatawanan ako nang mga tao kasi ang pasko at blah blah blah. . " Wehhhhhhhhhhhhhhhhhh, di nga Ruffa?
Nakakatuwa dahil sila ang sobrang nagpasaya nang gabi ko bukod kina Papa Piolo, JLC at siyempre si Ms. Kris Aquino with Baby James plus na rin si Gabby Concepcion at ang nagiisang si Ms. Judy Ann Santos. Ang gaaaanda nang lola mo, medyo bumbayin pala siya sa personal. Ahahahahahaha
At puta shet, kakikita lang ni Ello kay Coco Martin sa grams around 7pm sa Grams sa ELJ building at nasa concert siya around 10 in the evening! Grabe, gusto ko nang himatayin sa gwapo ni Coco!






0 comments:
Post a Comment