Pica Nang Mga Papa

Ang busy-busy ko naman! Hindi ko man lang nabati ang pinakamamahal kong si 'Dumo' last 12/15 dahil kaarawan niya. Ilang taon na kaya siya? Mga 28 na siguro siya. Saan na kaya siya naroroon? Hindi ko na talaga siya mahanap gamit ang Google Search engine. Yung kanya namang Facebook account, deactivated na. Buhay pa kaya siya?

Dahil malapit na ang Christmas, naisipan kong nakawin ang mga picas na ito na nagkalat sa aming intranet. Sana, patawarin nila ako sa pag post nang mga ito. I just can't help myself kasi.



Ang liit nang pica na na-grab ko kaya mukhang thumbnail na lang ang ito. Hindi talaga siya kagwapuhan, pa VIP access talaga itong si kuya. Pero na Winnie Cordero niya ang MVP award at effective sa kanya ang kanilang uniform na itilda.



Bibigyan ko rin siya nang award for wearing the kasyushalan na arm band para naman in-fashion pa rin habang nagbabasketball! Ang shoray!



Itago na lang natin siyang sa namesung na 'Clive'. Na Winnie the Pooh niya ang aking heart circa 2006 dahil masipat siya sa aking beauty. I swear, lagi niya akong tinitignan lalo na kapag may dumi sa mukha ko. Saka naglalaro pala siya nang basketball? Akala ko kasi Supermodel lang ang mode niya. Bakit kaya wala pa siyang jowa? Hmmm.




Medyo pawisan na ang drama niya dito, pero effect pa rin siya! How I wish ganyan pa rin ako ka-effective kahit super pawisan na!



At talagang super cropped si kuya na itago na lang natin sa namesung na 'Patrick Dela Rosa'. Artistahin ang mga pangalan! Napansin ko lang, si Clive saka siya eh naka-leggings habang nagba-basketball. Yan na ba ang uso ngaun sa Tuguegarao? Bwahahahahahahha!



Hindi ko naman super duper crush si kuya, pero ginetlak ko na rin ang pica niya kasi effect siya. Itago na lang din natin siya sa pangalang 'Joel'. Wala naman ako balita sa kanya, except na ang pogi niya sa pica niyang ito.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment