Last night was one of the most funny nights I had when each one was able to share tid bits about our lives.
I was with Jazz, Yen and Nat 'til the wee hours of the night as we relax, eat and chill at the vicinity of West Avenue.
This is Jazzie. She doesn't like to be called 'Jasmine' as much as I don't like to be called "Diana" kasi masyadong pa-girl. She do most of the talking last night, as in sobrang daming kwento ni ate na kahit hanggang next year, di siya mauubusan.
Nung hindi ko pa siya kilala, akala ko mataray siya kasi masyadong matabil ang kanyang dila at kasing lutong nang chicharon ang kanyang mga mura. Pero defense mechanism niya lang lahat nang iyon dahil deep inside, she's a pa-sweet and good girl. Good girl as in she hates bad deeds, except for cussing. Ang bait niya, di ba?
![]() |
This is Nat. Naku, hindi ko siya ide-describe kasi mababasa niya 'to! Ahahahahahaha! Pero may something common sila ni Jazzie - mataray sa umpisa - kahit strangers in the dark pa lang kami nun at hindi ko pa siya kilala, meron siyang 'killer look' na madami ang nakaka-misinterpret na siya'y isang isnabera at isa ako sa mga biktim! pero inamin niya na malabo lang ang kanyang mga mata kaya medyo matalim siya tumitig! Hahahaha!
![]() |
And this is Yen, sweet sa mga pa-sweet pero heart breaker. Ang daming nagkakandarapa na mga boys, pati yung heir nang isang napaka-impluwensyang relihiyon sa bansa ay heard over heels sa kanya (Intriga ito) dahil sa taglay niyang kagandahan at busilak nang kanyang kalooban. Ahahahhahaha!
Ang dami naming napagkwentuhan na sa sobrang dami, hindi lahat kasya sa iisang entry kaya ite-treasure ko na lang sa aking memory bank. May na-meet pa kaming celebrity kagabi habang tinatahak namin ang kahabaan nang West Ave. -isang reporter/host sa GMA, ( I don't know the name since I don't watch channel 7 tha ' much') and si Joseph Bitangcol. Siyempre, hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-hello sa kanya dahil nakasabay ko siya maglakad at nag greet naman siya nang "Merry Christmas" sa akin. At natuklasan ko, mas matangkad pa pala ako sa kanya at petite lang siya! Ahahahaha! Sayang, hindi ko na siya masyadong na-chika about Sandara, kasi hindi ko naalala, pero may next time pa naman!









0 comments:
Post a Comment