Dati, pangarap ko nang maging isang writer dahil mahilig akong gumawa nang mga kwentong barbero. Pero, pero, pero, ginagamit ko naman ang aking angking talento sa mga kadakilaang bagay. Noong ako'y labing-dalawang taong gulang pa lang, nagpadala ako nang aking liham-kasaysayan sa publication nang Islas Filipinas, hoping ang praying na sana, mapili ang aking istorya at mai-publish sa Komiks. Yes, laking Filipino Funny Komiks ako dahil yun ang uso nung aking kapanahunan. At sa haba nang aking pagaantay, natupad ang aking mga pangarap na mai-feature ang aking kwento na nakalimutan ko na ang title sa kanilang segment na 'My Funny Story'. Hindi naman sobrang nakakatawa yung kinuwento ko na napagkamalan kong laruan yung ipis dahil hinawakan ko bago ako nagtititili nang malamang tunay pala yun. Along with my story is my full address, printed at the upper right hand portion of it. At dito na nagsimula ang kwento.
After a few weeks, eh may na-received akong letter from a stranger matapos na lumabas ang aking liham-kasaysayan sa - eh kasi taga probinsya siya. Swear, hindi ko na matandaan kung saan kasi, that was like 48 years ago. Nakakaloka, eh kebata-bata ko pa, may ka-penpal na ako. If I remember right, so correct me if I'm wrong, stationery ang ginamit niya at ang ganda nang sulat, mala- Lucida handwriting, feeling ko pinasulat niya yun sa ate niya . Kasi naman, kahit nung Grade 6 pa lang ako, parang kinahig nang manok ang penmanship ko. Sa Canary yellow envelope naka-sealed ang sulat, hindi lang basta sa Via Airmail envelope. So in short, nakatanggap ako nang letter nang gustong makipag-penpal. Siyempre, lalaki si kuya, yun nga lang pa-girl yung sulat niya.
Sa hindi ko maintindihang nararamdaman nun, eh hindi ko sinagot ang kanyang love letter. Eh kasi naman, bagets pa lang ako, mahal yata ang stamps pang-send nang letter, hindi kaya nang baon ko. So after 48 years na rin ako, bago ako nag-reply. At nakuha ko pa talagang magreply! Siyempre, hindi na siya sumagot dahil anong petsa na. Nagtampo siya siguro.
So edi heto na, while browsing and stalking everyone on Fezbuk, bigla ko siyang naalala dahil may nabasa akong pangalan niya. Edi siyempre super research ako kay kuya at biglang tumabad ang kanyang profile. In-add ko na siya kahapon at na-confirmed na niya ako. So ginetlak ko na rin ang kanyang mga impormasyon. Heto pala ang hitsura nang aking ka penmate.

Ang taray naman! OMG, aside from Funny Komiks, we have other things in common! Meron din ako niyan!
Mukhang cardboard nga lang si Papa P niyan dahil can I just say na hindi marunong yung kumuha nang picture namin. Duh!
Sa sobrang tuwa ko, nag-PM na ako sa kanya sa para naman magkaalaman na kung siya ba ang naudlot kong ka penpal. Hala, hindi pa ako nirereplyan! Dineadma na yata ako, baka kasi naisip niya eh stalker ako? Pero baka masyado lang akong egzoyted at mainipin, puede pa naman siya magreply mamaya dahil kapag hindi siya nagreply, iisipin ko na dineadma niya ako nang bongga.






2 comments:
parang i smell something fishy jan kay kuya...
OMG, naamoy mo? Humihina na yata pangamoy ko weh! Hahahaha!
Post a Comment