The Wonders of Facebook


Kung totoo lang ang application na Profile Spy on FB, ide-delete ko na ang account ko! Buti na lang, FB allows us to lurk profiles. Kung hindi, mawawalan ako nang mga online friends sa daming beses ko nang pa-view all day, everyday! Hahaha!

Edi heto na nga si kuya na itago na lang natin sa ngalang -- Jun2x, yan ay base sa mga comments nang kanyang mga friends and officemates na akin lang namang napapagmasdan habang nagba-browse nang kanyang profile. At hindi ko kinakaya ang kayang Profile Information, dinaig pa ang resumé sa dami nang nakalagay dun! Pero, parang nung isang naman, wala pa dun ang kanyang complete address, attended schools, work experience at cellphone number! I ssswear, pati cellphone number ni Jun2x ay naka-publish sa kanyang profile. Ano ba yan, so ite-text ko na lang siya para yayain siyang makipag-eb? Nakakainis naman, edi hindi ko na puedeng sabihing "Can I get your number para textmates tayo?" Baka naman sabihin niyang, "Oh c'mon! Na-getlak mo na, kunwari ka pa. . "

It was somehow remarkable when I learned he finished college in UPLB. I was getting the impression kasi na he's not a no brainer when we started exchanging messages on FB. Hala, noseblood si kuya, eh limited lang naman ang alam ko no! Siyempre, hindi ko na lang pinahalata dail after 24 hours ako magreply sa mga tanong niya. Ang hirap naman kasi, nag-tanong lang naman ako kung natatandaan niya ako in English, hala, binatan na ako. Pero siyempre, nag Taglish na lang ako para naman medyo hindi halatang nahihirapan ako, ahahahaha!

So ano na nga bang napag-usapan namin? Sa Dolores, Quezon nga pala siya. Maiksi lang yung address niya at naaalala ko pa nung medyo bagets pa lang ako, nakabisado ko yung address niya sa sobrang iksi. At sa Makati pala siya naka-base, pero sa Mandaluyong siya tumutuloy. Puede na siguro kaming mag-set nang GT - Get Together. Siyempre, chill-chill lang naman 'to 'no!

Medyo hindi na siya nag-reply sa last message ko nung tinanong niya ako kung saan ako nag-work. Hindi kaya allergic siya sa mga nagtatrabaho sa field na pinagtatabahuhan ko? Sabagay, wala naman kasi akong pending Q na kelangan niyang sagutin, wala na rin siyang sigurong matanong no? Hahahaha! Asa pa ako.

Feeling ko lang, magaling kumanta itong si Jun2x kasi I've seen pictures he's holding a mic as if he's singing. Meron pa rin akong nakitang parang may dula-dulaan portion sila sa office at sa school na parang siya ang lead star. OMG, artist kaya siya?




Ang sumunod na shot at hindi ko kinaya...



Ang hirap i-grab nang kanyang pica dahil puro groupie. Nakakahiya naman na madamay pa ang ibang fezlaks sa mga kagaguhan ko dito. At sana, patawarin niya ako sa pagpo-post ko nang mga picas niya dito.


Ayon sa kanyang profile, single pa lang daw siya and looking for Friendship and Networking. Medyo hoping pa rin ako na-getlakin niya ang aking number para naman magkatext kami kahit papaano, pero ano bang maaasahan ko kung sino sinabihan niya ako nang "Life's been good. Hope everything is well with you."

Tapos na ang aming convo, right?




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment