DMR: Daybreakers



Downloaded Movie Review
Ang taray di ba? Gagawa na ako nang review nang mga movies na dina-download ko. Sayang, libre kasi!

DAYBREAKERS

Cast: Sila lang kasi ang kilala ko, hehe.


Summary

This is not your usual vampire movie na they want to rule the world. Ayon sa kwento, they already dominated the world. They fear of extinction dahil nagkakaubusan na nang blood supply. Halos maubos na rin ang human race. The solution is to find a cure on that problem. Siyempre, hindi ko na ikukuwento dahil baka masabihan ako na party pooper.

Reaction Paper (Talagang May Ganun?)

Okay naman ito. It's like the other way around on your usual vampire movie. Yung element nang vampire na they cannot go out on direct sunlight dahil masusunog sila ay na-preserve sa movie. Nakakainis ang Twilight, medyo iniba yung kwento tungkol sa aspetong yun nang mga vampire. Anyway, ang pogi pa rin ni Ethan, mahal ko pa rin siya, lalong lalo na yung brother niya dito na si Frankie. Effect! Ang masasabi ko lang, yung solusyon nila sa problem eh hindi masyadong realistic. Ewan ko ba kung bakit hindi ako makapaniwala at ang nasabi ko na lang habang nanonood ay, "Okay . . " sabay tango. Eh kasi, hindi talaga ako makapaniwala at ewan ko ba kung bakit ayoko maniwala!

Overall, bibigyan ko sila nang 3 out of 5 stars kasi na-entertain ako. Charring! Saka ayoko talaga nang mga scary movie dahil masyado akong matatakutin. May mga gulat factor din ito. So ang payo ko lang sa mga naka-earphones or headphones na manonood (kapag di-nownload) eh hinaan niyo na lang volume para wala namang gulatang magaganap. Muntik na akong atakihin sa puso eh!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment