March 7, 2010. Burgoo Tomas Morato
Fans of Paul Jake held it's first Grand Get Together last Sunday. At mantakin ko ba naman na member nang Paul Jakers association ang ka-officemate ko! Kapag sinuswerte nga naman. I'm a PJ fan ever since he entered PBB, but hindi naman ako ganun ka die-hard para mag-join pa sa fans club. Siyempre, nung nayaya ako eh hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Join forces agreement agad!
May josok pa ako nun, nag undertime na lang ako alang-alang sa kalandian. Medyo pinag-antay niya ang mga fans nang 2 hours and 15 minutes. Ako naman mga 1 hour and 15 minutes lang, kasi sumunod na lang ako. Siyempre, habang wala pa siya eh, maya't maya ang tingin ko sa glass window kung dumating na ba yung sasakyan niya. At sa wakas nung dumating na siya at confirmed na siya na nga ang bumaba sa sasakyan, I swear by the moon and the stars in the sky, nanlamig ang buong katawan ko.
May mga ganun pa akong drama... Para kasing hindi totoo o parang nananaginip lang ako na nakita ko na siya sa perosnal. Halos mamatay ako sa inggit nang kinuwento nang isa kong ka-officemate na nakita niya si PJ along with ex-housemates na nagkalat sa ELJ building at yung ka-officemate ko na member nang Paul Jakers eh pinakitaan pa ako nang picture na naka-hug kay PJ. So in-denial pa ako nang mga oras na yun hanggang sa magsalita na siya infront of us.
He apologized naman for keeping us waiting. At bumawi naman siya nang bongga! He didn't treat the audience as mere fans. Instead, parang he's celebrating his birthday at that moment at inisa-isa ang table para kamustahin kami at kung masarap ba ang handa niya. Hahaha! Totoo nga ang description sa kanya when he entered PBB kayang-kaya niya makisama sa kahit na sino dahil he doesn't have the attitude na namimili nang mga taong kakausapin at pakikisamahan.
Akala ko naman umaatikabong pictorial at chikahan portion ang magaganap. Yun pala may prinepare na mga games ang organizer nang event. We did several games before the kainan portion, autograph signing and siyempre, ang much awaited na grand pictorial.
Nasagap pala nang SNN crew ang balita kaya naki-join din sila sa party, pero hindi naman sila masyadong nagtagal. After they are done with business, bumatsi na rin sila. If you watched the episode of SNN last Monday night (3/8/10) eh yun na yung interview sa kanya. Grabe ha, mga 20 minutes yata siyang chinikang mabuti nang crew, eh wala pang 2 minutes ang segment niya.
![]() |
This is my first time attending a fan's day. (Melason event is more of a taping day, using the fans as audience for the show.) I can't imagine attending any other meet and greet fan's day aside from this. (Wehhhhhh, di nga?) Iba kasing treatment ang naramdaman ko dito weh.







0 comments:
Post a Comment