Nagulat ako kasi nung jumosok na si PJ sa loob nang function room nang resto, eh hindi lang pala sarili niya ang bitbit niya. Bitbit niya ang kanyang tropa. (read: more than ten people) Nakakaloka, ang dami namang bitbit ni PJ, edi may mga aasikasuhin pa siya at may mga iintindihin pa ang mga fans? I just don't get it (bitchy mode) until the event started.
PJ came along with his gf, brothers and sister with their significant other respectively, and their closest friends.
PJ's gf, Denise. She was seen on TV when she surprised him on his birthday last year.
Narealize ko rin why PJ wouldn't trade her for anyone else. She's pretty, petite, nice and humble during the event. When someone asks her to take a photo with her, she obligingly follow. She doesn't look maarte at all.
Which is the very opposite of the girl in the middle, sorry I forgot her name. She's the girlfriend of PJ's brother, Pao - siya yung naka-green. Mukha lang naman talagang nagmamaganda siya, kaya parang hindi approachable si ate. Kasi compared to Denise, daming nagpapacpicture sa kanya, at pati sa bf niyang si Pao. Infairview naman kay ate, kapag may lumapit na fan, eh willing naman siya, sabay balik sa lungga.
Pao appeared on some TV guestings when PJ was nominated several times to be voted out the house. Kaya may "star" factor na rin siya sa dami nang fans na nagpapa pica at siyempre isa na ako dun. Yung naka-blue naman eh sister nila. Medyo mairap din si ate. Hindi ko lang sure may nagpapicture na fan sa kanila. Wala kasi akong nakita. Isa rin siya sa mga nagmumukmok sa puesto nila.
| F |
Sorry, hindi ko na matandaan 'tong effect na 'to. Basta grinab ko na lang ang pica niya kasi super effective siya dito. Pasensya na, medyo naka-focus akong mabuti kay PJ weh. Hahaha!
PJ's eldest bro - Neil Bryan or 'Mighty'. He told us that he hated it when he's called the latter, dahil he prefers his real name. Eh lumilingon pa rin siya kapag tinatawag siya sa ganung name. Medyo mukhang masungit siya sa personal, pero hindi totoo yun kasi nakachikahan portion ko na siya. Gwapo siya sa totoong buhay, unlike in this picture. Hindi lang siya ganun ka photogenic. Napa-tumbling ako nung nakiupo siya sa table namin para sabayan kaming kumain. Parang hindi pa siya straight magtagalog (bisaya kasi siya) kaya naman medyo noseblood si kuya kasi nag-i-english siya habang ini-interrogate namin. At heto ang napansin ko sa kanya that night: mukhang bet niya si Cathy. Why? Eh kasi siya ang sumundo sa labas nang resto (busy kasi si PJ magentertain nang fans) Siya ang umaalalay at tinitignan niya kung may mga galos at kalmot na ba si Cathy nang mga haters niya (charing lang) Kasi naman 'tong si Cathy eh, mang- gate crash pa nang fans nang may fans, though may a number of fans siya dun. Pero hindi naman siya namaltrato. At siya na rin naghatid sa labas.
May future sila, de vah.
Nung araw na yun, kasama nila ang boylet na 'to na bitbit ang maganda niyang camera. Ang taray kasi, may flash factor pa. Siya ang official photographer nila PJ! Super pictorial dito, diyan. Click nang click amp, akala ko nga mala-Allen ito eh. Bf siya nung babaeng kapatid nila PJ. Akala ko nga single pa eh. Anyway, mabait 'tong si Prinz, nasabi ko na ang name niya? O yun nga ang name niya. Prince dapat, eh inartehan niya ang spelling. Grabe talaga makakuha nang pictures, eh di tinanong ko na kung makakakuha ba kami nang kopya nang mga picas sa kanya. Hala, binigay na ang multiply site, add daw namin siya. Ang bait naman niya, ia-add niya kami personal site niya eh hindi naman kami close.
Di heto na, in-add ko na siya para makita kung mala-Allen ang mga kuha niya. Ang masasabi ko lang eh, puede na, kasi magaganda ang kuha ko sa kanya weh. Heto ang isa kong candid shot along with the other fans.
Puede na di ba? Maganda na ako diyan kasi nakatakip ang fez ko?






0 comments:
Post a Comment