Teenage Dirtbag

Edi heto na nga di ba. Peyborit ko kasing kantahin 'to sa videoke at pagkatapos nang aking performance, eh nilapitan na ako ni kuya. Naka-sitting pretty ako sa bench at the back nang mga performer at ako lang mag isa nakaupo dun. Medyo senglot na siya, namumula na kasi mata niya dahil mga 2 hours na siyang tumutoma. Medyo kinabahan ako kasi mukhang may pakay siya sa akin. Pero, dumeadma muna ako. Tapos, maya-maya eh nagsalita na siya. Tumingin pa siya sa akin.

Kuya: Deejay, ba't di ka umiinom?

Hala! Sabi na nga ba eh, yun yung itatanong. Namumula-mula pa ang mata niya so parang kinabahan ako sa tanong niya dahil parang alam ko na ang kasunod.

Me: Umiinom ako! May sarili kaming tagay nang mga girls!

Akala ko naman bebenta na ang palusot ko kasi walang kakwenta-kwenta ang iniinom kong GinPom. Kahit ubusin ko pa ang isang pitsel, eh walang mangyayari sa akin.

Kuya: Wala naman yan, heto inumin mo! O, kahit tikman mo lang.

Sabay inalok niya yung hawak niyang baso nang Red Horse. Hala sabi na nga ba eh, hindi titigil 'to hanggang hindi ako nakakainom. Sa madaling sabi, ininuman ko na yung basong iniinuman niya.

Parang hindi pa siya natuwa sa ginawa ko. Pilit niya pa rin sinasabi na walang kwenta yung ininom na ko. Parang sinabihan niya ako na ilabas ko na yung isang bote nang GSM Blue. Nung dinala ko na sa pwesto namin, parang nakita ko ang spark sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang bote at ibinuhos niya ang lahat nang laman sa pitsel. Nakita ko pang napa-smile pa siya habang hinahalo yun.

Ayun na nga. Akala ko pa naman, pinapaikot niya sa aming lahat yung tagay, eh parang tatlo lang kaming nagtatagay, ako, siya at isa pang babae. Bukod sa tagay, ginagawa pa nilang chaser ang Red Horse na iniinom nila.

Dahil sa ganung eksena, sa madaling sabi, tinamaan agad ako. Ang bilis kasi nang tagay sa akin, puno pa at tatlo lang kaming umiinom. Naramdaman ko na ang hilo nung nangalahati na ang pitsel. Alam ko, lasing na ako, pero alam ko pa naman ang nangyayari.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment