This entire scene of KTM last March 31, 2010 episode, was shot at our place. The crew did shoot it about two weeks ago.
That night, my mother woke me up, telling me that I need to because Gerald is here and she had her picture with him taken already. Good thing, I need to wake up early to go to work at around 6 in the morning, so even if I feel that I need to get some more sleep, I got up from my bed and went outside.
Nakakaloka, ang daming tao at sobrang liwanag dahil ang daming ilaw. Nagulat din ako nang makita ko sa liwanag ang suot ni mother dahil sinabi niya na nagpapica na siya with Gerald. Nakaduster na strapless! Nakakaloka talaga! Sobrang sumakit ang bangs ko habang ini-imagine ko kung paano niya inaapproach si Gerald para magpa picture.
Sabi nang mga kapitbahay namin, alas onse nang gabi nag start ang shooting at natapos na nang four nang madaling araw. Nung mga panahon na tumatakbo papanhik si Gerald, nasa gigiliran lang kaming mga miron, nagmamatyag sa eksenang kinukunan. Pagkatapos kunan nang eksena ni Gerald, bumaba na siya.
Hindi na rin naman ako nakapag papica kasi unang-una, kagigising ko lang. Wala ako sa mood makipag usap o magsalita man lang kapag bagong gising. Pangalawa, may muta pa ako, kahit maghilamos ako, mangingibabaw ang muta ko sa picture kaya kahit wag na. Akala ko, kapag nakakita ako nang artista, wala na akong pipiliing oras para makapag pa picture, pwera lang pala kapag bagong gising ako. Pero, grabe! Ang gwapo ni Gerald! Kaya naman pala pati si Pauleen eh na betan siya! Mas crush ko si Jake over Gerald, pero ngaun, si Gerald na ang crush ko!
PS. Yung hinahabol na hombre ni Gerald, medyo nakakairita yung face niya sa scene, pero not in person. Effect siya, medyo crush siya nang kapatid ko habang kinukunan ang eksena. Kaya naman pala pamilyar ang fez ni Kuya, eh lumalabas na siya sa mga kung saan-saang mga eksena.






1 comments:
ahahaha, ayoko magcomment! grabeh, kinabog ka ni mudra dba? nakapagpapica kay gerald na nakastrapless na duster lang, ohaaa?!
Post a Comment