Iron Man 2



Dati, nung napanood ko ang movie niya na 'Only You' with Marissa Tomei, nainlove na ako sa kanya. Nawala na yun nung nag lay low na siya sa paggawa nang movies, pero I'm so glad that he's back on the scene top billing large movies since Iron Man. Sabi na nga ba eh, hindi naman nawawala ang pagka crush ko sa kanya, nandun pa rin. And I think I'm so inlove with his character Tony Stark. Ang tingin ko sa kanya eh para siyang si Martin Nivera - madaldal. Ang dami-dami niyang sinasabi. Nasabi ko na bang I'm a sucker of love stories? Mukhang nasabi ko na naman, pinapaalala ko lang. Kaya naman masyado akong na carried away sa role niya sa Only You.




Sobrang nakakakilig talaga lalo na the story is about fate and Rob is just so sensitive here.

Nung napanood ko ang Iron Man, natuwa naman ako sa kanya kasi magagandang project na ang nabibigay sa kanya. Halos laman din siya nang mga balita noon dahil na rehabilitate siya because of taking illegal drugs.

May movie date ako kanina with (secret) and we agreed to watch Iron Man 2, dapat kasi Working Girls, pero mas mukhang promising kasi si Robert. Buti na lang! Hindi na ako nagpa sweet pa kasi he was all worth it, at gusto ko sanang ulitin para naman mapanood ko ulit si Rob. (Rob daw talaga oh)

This second installment of Iron Man is sooooo great! I'm so hand downs, kahit medyo hindi nagduda pa ako sa umpisa. I'm into Marvel Superheroes movies nowadays. I'm really looking forward to see him on the third installment, hopefully, pero may nabasa ako na he would appear on The Avengers which will be release on 2012.


Salamat sa Megamall at may replica si Iron Man sa Movietime.




Pero, ano ito? May bitbit siyang bayong?




Sino bang baliw ang nagpabitbit kay Iron Man nang bayong. Naku.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment