Charice

Because of the curious case of Benjamin Button, kung bakit 5 weeks pa lang since Party Pilipinas was launched, eh napa-resign bigla ang kanilang direktor na si Louie Ignacio. Pinakain na naman nang alikabok nang ASAP XV sa umpisa pa lang at hindi sila natinag kaya naman on the rocks ang future nang PP. Eh bakit nga ba kasi? Maraming nagsasabi na may attitude problem si Direk Louie na siya namang pinabulaanan. Ang naloka lang ako eh ang pagiging blunt niya nang sabihin na hindi nagre-rehearse ang mga (read:) REGULAR HOSTS kaya siya nagpa-resign. Ayan ha, direktor na ang sumusuko sa talents. Eh kung ganyan nga ba katitigas ang mga ulo at hindi nag-re-rehearse, paano mapapaganda ang isang show?

Para naman ma-justify na may katotohanan ang mga paratang na ito, aking ni-You Tube ang mga naganap na eksena last week sa PP. Location nila ay sa Cebu. Never ko pang napanood nang live ang show dahil kasi may josok ako nang Sunday, so nagrerely lang ako sa thread nang PEX kung ano na nga ba ang kaganapan sa nagiisang Party sa Pilipinas. Buti na lang, may mabubuting loob na nag post lahat nang tweets nang mga kapuso sa thread habang isasalang na sila sa show. Pero, ano itong nabasa ko: lumipad sila pa gorang Cebu 3 hours before the show? Oh my gosh! Wala na bang final rehearsal sa stage kaya hapit na hapit sila sa oras?

Napanood ko rin ang infamous video ni Regine singing Put It In A Love Song originally done by Beyonce and Alicia Keys sa You Tube. Favorite ko pa naman ang kanta at sobrang na-sad ako. Ba't naman kasi siya sinalang na hindi man lang niya kabisado ang lyrics. Oh hindi talaga siya nag rehearse kaya hi-num na lang niya ang kanta?

At dahil diyan, I came across with Sweet's blog about his previous experience as a staff and talent of ASAP. This piece came out just in time.

Pero siyempre, wala naman talagang connect itong mga 'to sa title nang blog ko. Nagtaka lang kasi ako kung bakit ganun na lang kadaling nag give up ang kanilang direktor.

Well, pinanood ko ang ASAP XV's last week episode para naman ma sight kong mabuti kung gaano kaganda ang kanilang opening. Ang masasabi ko lang naman eh talaga namang nagrerehearse sila at pinaghihirapan nila ang kanilang mga production number. Maraming nagcelebrate nang birthday last week, sina Luis, Angel at Charice. At siyempre, napa tumbling ako ni Charice sa mga bumati sa kanya for her 18th birthday! Puro international lahat nang bumati! Hindi ko naman talaga bet itong si Ate Charice, pero natutuwa ako sa kanya ngaun kasi kahit naman medyo feeling dalaginding na siya, eh nakikita ko naman na humble pa rin siya kahit rubbing elbows na sila ni Oprah at Ellen de Generes. Nakakainggit naman talaga siya kasi kasama niya sa album launching niya si Justin Bieber. Hindi naman ako die hard fan, pero grabe maka LSS ang mga punyemas na kanta ni Bieber. Meron na yata akong Bieber Fever. Charice! Pempengcow!

Tambling rin ako nang after haranahin si Charice, eh si Sam ang unang nag greet sa kanya habang bitbit ang malaking poster nang album niya, sabay sabing "I knew that you say I'm your crush. Thank you. I'm very, very flattered." Nyii. Dyahe naman yun, ang weird hearing from your crush in front of your face at napanood kayo nang live.

Along with Papa Piolo and Billy Crawford on stage, nagtanong si Papa P kay Charice.


Papa P: May tanong kami Charice. Bakit si Sam ang crush mo?

Billy: Bakit di kami? Bakit si Sam?

Charice: Di ko po alam!


Bwahahaha!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment