Nung isang gabi, binalik na niya ang kanyang FB. The other day, naisip ko lang i-search yung account nang jowa niya kung totoo ngang hiwalay na sila. Naalala ko pa, na-sight ko pa yung girl sa office noong dun din siya nag wowork. Nakita ko pa sa list of friends niya, ibig sabihin naka add pa sa kanya. Naka for public consumption naman ang mga picas ni gelay, eh di super may i-browse na ako. Hanggang sa napunta na ako sa profile info at confirmed na ngang wala na sila. Nakalagay sa profile nang girl eh "In A Relationship" - at hindi ang nemsung niya ang nakalagay.
Naku ... Kaya naman pala nagbabalik loob siya eh! Siguro, days are gone that he's depressed. It's time to move on! Naiintriga tuloy ako kung bakit ba sila nag break nung girl eh mukha namang they complement each other? Basta, nung na sight ko sila nun sa floor at malapit na siyang umuwi at ako ay pajosok na lang, nakabantay sa kanya si girl. Naka-focus lang siya sa station niya at may nakapasak na earphones sa tenga niya habang nanonood nang series sa kanyang iPhone samantalang si gelay ay nasa likod niya, naka sitting pretty. Matiyagang nag aantay. They really, really complement each other!
Well, kanina, naisip ko na naman tignan ang profile nung girl. Basta lang, so ang ginawa ko, pag log in ko sa fezbuk, pumunta naman ako kay kuya, sabay click nang View All sa friends section niya at hinanap ko si girl. Hala, ba't ganun? Di ko makita eh parang kahapon ganun pa ang ginawa ko?. Hindi ko naman masyado kabisado ang name ni girl, so siyempre dun ko lang hahanapin yun. Salamat sa Cookies and Cache, may na-save na page sa aking browser kaya kahit i-type ko ang first name niya, makikita ko na siya.
Na-shock ako sa aking nakita! Eh parang kahapon kasi naka add pa si Kuya sa kanya, tapos ngaun, hindi na namin siya friend in common? Hmm, sino kaya ang nag-delete? At alam kaya nila na stalking mode ako kaya na-a-update ako kaya nalaman ko ang naganap na deletan?
At ang tanong, sino ang bitter sa kanila? Eh kasi mukhang nakapag move on na naman yung girl dahil may jowa na siya. Baka naman itong si Kuya ang nag delete, kasi SINGLE na nga siya? Isang malaking palaisipan.
Kanina, akala ko naman medyo matatahimik ang life ko dahil iniisip ko na medyo, as in medyo lang na hindi siya mangaasar today dahil kahapon medyo na shy na siya nung pinagtutuksuhan na kami. Pero, aysus, ako pa? Wala lang yun no, hindi naman ako inlove, duh! As if naman na madali akong mainlove!
When it's my turn to take my lunch dahil siya naman ang tatao sa tindahan, may nagtanong sa akin kung saan ako kakain. At sumabad na siya sa usapan.
Didyay: Kakain kami sa Razon's.
Kuya: Sa Razon's talaga kayo kakain?
Didyay: Oo, bakit may papabili ka?
Kuya: Bili mo akong halo-halo.
Didyay: Sige. Pengeng pambili.
Kuya: Di ba binigyan na kita?
Didyay: Hay naku, wala ka pang binibigay. Wala nga akong panggastos eh.
Tumawa na lang siya at no comment on my last statement samantalang kinikilig na ang aming audience. Hindi na rin ako nagsalita kahit medyo naharang pa kami nang aking kasama bago maka-batsi para lumapsung. Pero ano itong nakikita ko? Ba't nakatingin pa rin siya sa akin na parang nagaabang? Duhhhhhhhhhhh! Ano ba, makaalis na nga. Pero ba't ganun, kahit saan ako magpunta eh sinusundan niya ako nang tingin? Naku ha, ang lapad-lapad ko, baka naman ako malusaw neto! Puede ba, tigilan na naman niya ako kasi hindi ako sanay na tinititigan!






0 comments:
Post a Comment