1998.
Very, very, strange. Tumayo lang ako para may tignan lang saglit at pagbalik ko sa aking upuan eh may nakita na akong papel na nakatiklop sa bag ko. Nagtaka ako dahil wala pa yata akong one minute na nawala, eh may nahulog na papel o sadyang hinulog at sa loob pa nang bag ko.
Sa madaling salita, binasa ko ang sulat. Aba, love letter pala yun na nakasulat sa 1/2 crosswise intermediate pad . At ang nilalaman nang sulat ay "Kamusta ka na? Sana okay ka lang." Hala, ba't ako kinamusta? At sana okay lang daw ako? Paano naman nalaman na hindi ako okay habang iniisip ko kung sino kay nino galing ang sulat? Naiinis na ako, ayoko pa naman sa lahat eh yung piniplaytime ako nang mga classmates ko dahil madali akong maniwala.
Pinagtanong tanong ko sa mga seatmates ko kung sino ang naghulog nang sulat. Walang nakakita eh katabi ko sila- hanggang sa may isang nambuyo at nanghula-hula pa kung sino ang nagsulat. Kamukhang kamukha daw nang sulat nang isa naming classmate na lalaki. Siyempre, hindi naman ako naniniwala kahit malapit na akong maniwala. Naku, yun pa? Gagawa nang love letter? Buti sana kung may gusto siya sa akin. Or so I thought.
2010
April 17,2010
Alas dos nang umaga. Kakauwi ko lang nang balay china pagkatapos rumampa sa Banchetto when I go online (when I go online daw oh) on fezbuk. Biglang may nag mack. Siya yung nabalitang nag givesung nang loveletter nung musmos pa lang kami. At hindi ako makapaniwala sa kanya dahil bukambibig niya eh GANDANG-GANDA siya sa akin.
To Be Continued ....






0 comments:
Post a Comment