Pakshet talaga yan! Pagkatanggap ko nang aming Meralco bill eh parang gusto kong mahimatay sa sobrang laki! Php 4,700 na wala man lang kahit isang airconditioner na gamit?!??? Ano yan, may sampu kaming Industrial fan na bukas all day, everyday?
Akala ko naman ang may kagagawan eh yung magaling kong bro na bumili nang LCD TV na laging sini-synchronize sa kanyang laptop. Kamusta naman ang energy consumption, de vah? Parang walang awa naman maglustay nang kuryente.
Ika nga ni Chuvaness, napapalagay ang loob ko kapag may nalalaman ako na mas mataas ba ang bill sa amin nang kuryente. What a joy! Pero temporary lang yun dahil bumabalik din agad ako sa realidad. Ang masakit kasi sa akin eh solo kong babayaran ang punyemas na electric bill na yan na walang makukuhang tulong kaynino man. Hindi ko naman maaasahan ang kuya ko dahil numero unong walang kwenta yun pagdating sa mga obligation na ganito. Lagi niya na lang pinag iinit ang ulo nang nanay ko kapag bayaran na nang water bill. Gusto niya pang may nagaganap na eksena na putulan bago niya i-paysung ang kautangan.
Pakshet naman talaga yan. Nakakapang init nang laman bukod sa nakakapang init nang ulo ang mataas na bill. Pero buti na lang pina experience ako ni Brian nang kanyang bagong baylamos na phone.

The Cory/Ninoy phone! Qwerty na ang keypad, wifi ready pa! Puedeng puede na sa mga katulad ko na mabababaw lang mag browse. Ang pinakamaganda rito bukod sa yellow lang ang kulay, eh murang-mura lang Php 5,000.00 lang!
Kaya naman I'm so torn dahil bet na bet ko ang phone kung papaputol ko na lang ba ang kuryente namin para magkaron na ako nang phone. Masarap rin naman siguro walang kuryente paminsan-minsan.






0 comments:
Post a Comment