Nakapag move on na naman ako mula sa isang 'nakakarimamim' na nakaraan nang matagpuan ko ang lalaking nagpatibok sa napakapihikan kong puso. Matagal ko na naman siyang natuklasan sa aming opisina. Nung minsang lumalaps ako sa pantry, lumalaps din siya. Gumetlak siya nang kape puro sa vendo at napatulala ako habang rumarampa siya pabalik sa kanyang puesto.
Nasa kanya ang lahat nang hinahanap ko, gwapo, matcho at higit sa lahat, isa siyang security guard! Kaya naman kahit 8 hours lang ang trabaho ko, sinasabayan ko na siya sa kanyang 12-hour shift para naman makumpleto ang aking araw.

Nahihiya akong picturan siya kasi ramdam ko, wagas ang pag ibig na naramdaman ko para sa kanya. Ni hindi man lang ako makatingin sa kanyang fez, sign na may gusto ako. Kahit nga pangalan niya, nahihiya akong ipagtanong. Pero ipinagkalat ko na siya sa pangalang "Coco", kasi, kahawig niya si Coco Martin! Masyadong expressive ang mga mata niya, kapag tumitingin siya sa akin, nalulunod na ako, kaya bigla akong umiiwas. Kunwari may nakikita akong lumilipad na papel sa hangin at yun ang susundan ko nang tingin. Baka naman sabihin niya, feelingera ako!
Nakakaisip tuloy ako nang drastic measures na magpuslit nang pagkain sa loob, para lang mapansin niya ako. Magpapasok ako nang isang Happy Meal at dahil bawal ang pagkain sa loob nang production, sisitahin niya ako. Hindi niya ipapapasok yung pagkain sa loob. Kaya sasabihin ko na lang sa kanya, "Sige na, Coco, sayo na lang to..." sabay tuck in nang hair sa tenga. Ihihihihihi.
Pero, I swear kanina. Pagjosok ko nang mga 10am, nandun na si Kuya. Eh 7pm pa ang shift niya eh. Rotating sked sila siguro kasi Monday na. Tapos, mga bandang hapon, di ko na siya na-sight, so na sad ako nang bongga, baka umuwi na. Nung pauwi na ako nang 7pm, akala ko wala na siya so lakad construction worker naman ako habang papuntang hallway para sumakay nang elevator. Parang may narinig ako na tumawag nang "ma'm". Mahina lang, pero rinig ko, pero dineadma ko, baka kasi hindi ako, kahit alam kong ako lang yung naglalakad at that very moment o may humahabol sa akin? At ini-expect ko, kung ako, makakarinig ako ulit. Hanggang pumasok ako nang elevator, wala na akong narinig.
Pero, bago sumara ang door nang elevator, bigla siyang dumaan. OMG! Sana walang nakakita sa akin nung napnganga ako. Akala ko na fly away home na siya nang hindi ko na nakita ang beauty niya nung hapon at hindi na ako naka Aurora Sevilla. Andun pa pala siya at kinindatan niya pa ako!
Joke lang yung kindat, asa pa ako. Ni hindi ko nga siya tinitignan kasi mahiyain ako. Sana man lang, nung nagsabog nang kakapalan nang mukha, sumalo naman ako kahit isang timba para naman kahit name man lang at number ni Coco Martin, natanong ko. Edi sana, tiksmit na kami.






1 comments:
ayan keps, baka sa kanya mo na makita ang insurance na hinahanap mo. may kasama pang security. san ka pa?! hahahaha!
Post a Comment