Baby, Ingat Ka Palagi...

Well, well well... Paano ko nga ba uumpisahan ang kwentong kababalaghan na ito? Hindi ko alam kung paano, pero puede ko naman nang tapusin dahil tapos na rin kami! (Bitter)

Eh ikaw ba naman padalahan nang ganito sa FB.





Pero hindi ko naman sinabi na hindi ko nagustuhan! Siyempre, naiyak pa nga ako nung tinanong ko kung bakit ako ginawan eh saka kung bakit "friends" ang quote na ginamit sa gilid, saka mali pa ang grammar. At bakit may 'decay' akong nababasa? Mukha na ba akong naaagnas na bangkay? Kahit ayokong i-post dito 'to kasi sobrang nakakahiya, napilitan na rin ako due to persistent public demand! Hahaha Okay na sana kung una; ibang picture ko ang ginamit niya na hindi black ang suot ko. Mukhang ito na ang gagamitin para sa tarpaulin sa lamay ko. Pangalawa; lagay ba naman ang quote sa gilid, mukha na tuloy ako patay at pangatlo; lagyan ba naman nang mirror-effect ang photo ko! Hindi ko na siya mapapatawad!

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako choosy sa lalaki. Mahilig ako sa mga gwapo, pero heto, hindi naman kagwapuhan, pinatos ko. Imagine, lahat nang qualities na gusto ko sa isang lalaki, eh wala sa kanya! Pero pinatos ko siya at naging mabuti akong, uhm, ano nga ba tawag sa akin kung hindi naman kami offish, as in official? "We're just two people having sex, Louie.." Correction: Haved kasi past tense saka one time lang naman yun, saka hindi nga ako nag enjoy eh. X.X

Next topic.

Ano naman connection nito sa title nang blog na 'to? Kanina kasi, habang patay gutom mode naman ako at bumibili nang laps sa Ministop, hetong lyrics na ito ang nagpe-play sa background. Hindi ko pa rin ma-research kung sino kumanta nito na tinagalize. Parang mga kahanay niya yung mga kantang Remember Me, Hind ako si Darna at yung iba pang mga kantang English na Tinagalog.

Sinayang ko lang ang diplomang nakuha ko sa pagbabasa nang mga articles nila Gretchen, Ruffa, at Krista, hindi ko naman mai-apply-apply sa totoong buhay! Sana man lang, rica itong si Kuya, edi na pakyaw ko na yung isang collection ni Vera Cruz at ni Vera Wang. Wagas na talaga ito. Wagas na pagmamahal.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment