Hindi ko talaga bet itong batang ito. Hindi naman ako interesado sa kanya ever since naging sikat siya at hindi ko ini-stalk ang buhay niya.
Kahit napapanood ko ang teaser nang Hannah Montana, never did I bother to watch an episode or two. Para sa akin, masyadong papansin ang babaeng ito. Fame-hungry. (may ganyan bang words o inimbento ko lang?) Pa-controversial. Gusto palagi pag-usapan. I love Entertainment Gossips as long as hindi naman masyadong papansin ang mga gustong maging bida. I find her too nosy and bossy, but minsan lang, take note, once lang yan, I appreciated her for being vocal on what she wants to do on her life. Mas nananalaytay pa rin sa dugo ko ang pagkainis sa kanya.
At isa pang ayoko sa kanya eh ang smile niya. Sorry, napaka-perfect ko! Pero nairita talaga ako sa kanya. She's trying to portray a character that she's strong and lovable. Hello! Hindi siya lovable no, kahit sandamakmak ang fans niya! Wala silang taste! Wala naman siyang ginawang masama sa akin, pero I really don't buy her sh*t. F*ck shit talaga siya!
Pero kahapon lang, nakadalawang round ako nang fried chicken (una, almusal ko sa pantry, isang malaking friend chicken with rice, 10:00am at pangalawa, late lunch/early meryenda ko naman sa ministop, 3:00pm - one fried chicked with rice) Grabe, ang takaw ko! Nagdinner pa ako niyan ha! Sinimulan ko kasing basahin ang novel ni Nicholas Sparks' na "The Last Song". After I read almost a quarter of the novel, kumain ulit ako ng meal na dapat dinner na dahil sa sobrang kumakalam na ang sikmura ko! Grabeng gutom ang dinanas ko habang binabasa ang novel. Partida pa, dahil nananakit pa ang mata dahil masyado akong focus sa monitor. Kaya ayoko magbasa nang mga e-book weh.
The novel is easy to pace with. It's understandable, kahit medyo nakakasagabal kapag may trabaho, I can pick up from were I left off. Ngayon, nasa kalahati na ako at medyo nabo-bored na ako sa kwento. Gusto ko nang tapusin. I have a bad habit of reading the last chapters of a novel with the desire to know the ending if I got impatient reading the entire book! Kaya halos lahat nang binabasa kong nobela, hanggang kalahati lang, ayoko na at alam ko na ang ending! Hahaha.
But that's not the point and beside the point why the point I am putting Miley into writing. Kasi, I swear by the moon and the stars in the sky na hindi ko talaga papanoorin ang kahit anong movie at TV show nang kabayo na yan! I swear talaga! Magkamatayan man, never talaga! Ever!
Pero, dinadownload ko na yung movie niya. Ahihihi. Tinatamad na akong magbasa, eh....







1 comments:
wag mo na panoorin! it's all bullcrap. she didn't do justice to ronnie, leche cia. wala talagang kwentang artista yan!
Post a Comment