Habang pauwi sa bahay noong Nov. 2, kasalukuyang ginegetlak na pala ng snatcher ang aking mamahaling phone. Hindi naman ako nag shopping free at ang mga bitbit ko lang naman ay grocery at pagkain. In fact, nagbayad pa nga ako ng bills kaya ako ng punta ng mall.
Ang hindi ko talaga maintindihan eh kung bakit ayaw i-off ng mandurukot ang aking precious number. Ano ba ang dahilan? Wala bang pambili ng SIM card o ginagamit na pang text sa aking contacts na yun na ang bagong roaming number nila?
That's the time I sought for an assistance from Globe. Baka magawan pa ng paraan dahil puedeng-puede gamitin for impersonation ang aking precious number. Three to four years na yata ang aking number. Medyo matagal na at nakapag established na ng rin contacts.
When I visited their website, meron silang Chat feature. It was a good idea to put it up dahil some people would prefer chat support lalo na sa mga hindi agad maka-contact sa phone. When I tried it, lagi akong nadisconnect. Akala ko talaga, kapag prepaid ang SIM at nadukutan ng phone ang concern, eh dinidisconnect nila ang chat. I just found out na hindi naman pala compatible ang Google Chrome sa kanilang chat server. So best to use Internet Explorer. Pasensiya na dahil nag-akusa pa ako na pinuputol nila ang chat session. :)
24/7 naman pala ang kanilang phone support, it's the best time to call them, akala ko available lang sila ng working hours. The representative that I spoke with inform me that I can still continue the same number even if it's still active, hindi ko na nga lang mare-recover ang phone book contacts. Buti na lang, in that way, mapapa-deactivate ko yung SIM na nasa mandurukot at mapupunta pa rin sa akin ang same number. Kahit gusto ko na rin namang magpalit ng number, kailangan kong gawin yun to prevent from fraudulent acts. Magpunta na lang daw ako sa malapit na business center ng Globe para maasikaso at within 24 hours ang reactivation. Wala na daw akong requirements na dadalhin.
Last week, nang nakadaan sa SM Megamall, nag-inquire kami ng kasama ko on how to continue the same number sa Globe Business Center dun. Mga 8:30 na yata ng gabi nun, at medyo pasara na ang mall. Medyo deadma ang mga staff nila. Yung isang babae na nasa may counter sa right side ang pinagtanungan ko dahil siya ang una kong nakita, pero parang hindi siya puedeng pagtanungan. Abalang-abala siya sa ginagawa niya at mukhang ayaw paistorbo kahit sinabi kong "excuse me po, puedeng magtanong?" in my pa-sweetest voice. Sabay turo sa akin na sa Information Booth daw ako magtanong. Ay pasensiya na, hindi ko nakita kasi, natatakpan ng mga tao! Ang taray! To think naman na information lang ang kelangan ko, hindi ko pa naman pinapagawa ang request ko.
Pagpunta sa Information booth, hindi pa yata ako tapos magsalita, tinatanong na ako ng staff kung ano yung number ko. I-che-check niya daw kung available. Habang chinecheck, pinatabi niya kami ng kasama ko sa gilid para maasikaso ang next customer. Maya-maya lang, sinabihan na kami na hindi daw available yung number. Dahil hindi ko maintindihan kung ano ibig sabihin ng "hindi available ang number", tinanong ko ulit na paanong hindi available. Parang nagalit pa siya naini-explain na hindi available yung number sa kanila. Ang pagkakaintindi ko, hindi talaga magiging available yun for continuation kasi active pa yun at nasa perpetrators. Nung sinabi ng kasama ko na, "hindi available, dito lang sa branch niyo?" Dun lang na-explain na i-try ko daw sa ibang branch, baka puede daw yung gusto ko mangyari. Bakit kaya itong mga taong ito nagtatrabaho pa sa Customer Service related job kung wala namang Customer Service skill? Hindi naman ako hysterical at baliw na customer, ambait-bait ko pa nga kausap, bakit parang ayaw nila mag-assist?
So I tried my luck at SM Annex branch. Under construction pa yung pwesto nila dun, kaya medyo hindi comfortable yung pwesto nila sa labas. Madami namang chairs puedeng upuan, yun nga lang, parang nasa 'public' place ang mga customers na nakaupo habang nag aantay sa pila.
Approachable ang guard nila, kahit taga-bigay lang siya ng number for queue, nabigyan siya ng instructions on what to say sa mga concern ng customers. At kahit madaming tao, maasikaso naman ang guard dahil siya na ang tumingin kung "available" nga daw ang number ko for continuation para hindi na daw masayang ang ipipila ko.
When my number was called, nagkwento lang ako ng pang mala MMK kong story at hiningan lang ako ng identification ng associate. Meron na silang ready na affidavit of loss at sila na ang nag photo copy ng ID ko. Siguro within 10 minutes, na process na ang bagong SIM at sinabihan lang ako na within 30 minutes, puede nang gamitin.
Alam kong hindi ako magbabayad dahil nung nagtanong ako sa phone, free of charge ang SIM continuation. May sinabi pa nga sa akin na kapag 64K ang SIM, libre at kapag 32K naman ang papapalitan ay 50php. Eh may katabi akong ratches na nagpapalit yata ng bagong SIM, naglabas na siya ng wallet niya at nagtanong kung magkano ang babayaran. Naka smile na sinabi ng associate na wala ngang bayad. So, hindi na ako nagtanong, baka dagukan ako ng kausap ko at sabihing "narinig mo na naman di ba? Gusto mo ba pagbayarin kita? Sige, isang milyon para sa SIM na yan". Hindi na po ako magpupumilit magbayad! :D
This is to thank Globe SM Annex branch for a job well done. They are so accommodating kahit medyo uncomfortable ang place kesa naman sa Globe SM Megamall branch na sobrang comfy and nice ang space, but unfriendly ang staff.






0 comments:
Post a Comment