KFC Double Down

I was a bit busy these past rest days. Kailangan kong i-process ang pagkuha ng SSS ID dahil kelangan ko yun sa maraming transaction. Ang aking mindset before kaya hindi ako nakapag-secure ng ID ay dahil hindi ko naman kelangan yon. Kaya kahit 7 years na akong nagta-trabaho, wala pa rin akong ID.

Last week, medyo late na ako nagising at hapon na ako nakapunta ng SSS. Pang number 1,436 ako at nasa 800 pa lang ang natatawag sa Member Assistance Center. Ang pila kong yon ay for evaluation pa lang. I-schedule pa ang picture taking, kamusta naman yun. Mabilis ang takbo ng pila, parang nakaka- 100 customers sila per hour, pero 2pm na yun. So kung pang 1,436 pa ako, ibig sabihin aabutin ako ng 7pm? Umalis na ako at hindi ko na pinursue ang aking kapalara. Lumakad na lang ako ulit kahapon at early bird na ako!

Pakshet, ang dami pa ring tao! Pang number 305 ako kahit mga 8am, nandun na ako! Pero okay na yun, kahit abutin ako ng 10am kakaantay, tolerable ang number ko sa pila. Wala pang 5 minutes after kong matawag, palabas na ako ng SSS building para naman pumunta sa next destination - ang mag-renew ng NBI Clearance. Bumalik ako sa City Hall at hindi ko kinaya ang pila. Ang haba na agad, parang sa SSS. Sabagay, 10am na eh, late na yun kumbaga, kaya mahaba ang pila.

Dahil magpaparenew lang naman, ba't di na lang sa Megamall na malamig pa, madami pang masasarap na kainan na pinggan? Wahehehe.

Pagpunta ko ng mall, kahit kakabukas pa lang, ang HABA din ng pila! Ang NBI Satellite ay located sa basement at paikot sa floors ang pila ng mga tao! Umabot hanggang 4th floor sa kabilang side ng stairs ng pila! Pagpanik ko, bumaba rin ako hanggang 4th floor para pumunta sa dulo ng pila. Sayang din naman yung araw kung ipagpapabukas ko pa, magtiya-tiya lang ako sa mahabang pila para hindi na ako aalis kinabukasan.

Pero bago yan, lumafang na muna ako kasi hindi pa ako nag-breakfast. Kakabukas pa lang ng mall at tamang-tama umorder ng KFC Double Down! Matagal ko nang naririnig 'to pero hindi pa ako nakakatry dahil laging sold out! Sobrang sarap siguro kaya laging sold out kapag hapon na at wala na silang ma-serve sa customers!



Kinain ko yan with fries, pero kelangang with rice ito kakainin! Grabe, purong ulam ang kinain ko with fries! Dapat talaga, RICE, RICE, RICE ang o-orderin ko! But it was satisfying. Tamang-tama lang na pang-ulam na may kasamang RICE.

Quarter to 12 ako naka-pila sa NBI renewal at bago mag 2pm, natapos na ako! Nakabili pa ako ng paborito kong scramble nang pauwi na. Mission accomplished! Pero babalik pa ako sa December 28 for picture taking. Kakaloka talaga, puede namang magpictorial nfg araw na yun, pero sige na nga.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

ellie said...

busyness nga! grabe, ansipag mo talaga, ako wala akong maaccomplish pag off ko. 2 years nang expired ang license ko, hahaha!

Post a Comment