Saang sosyalang place ang puedeng mag Eat All You Can nang hindi nagmumukhang PG?
Try Guilly's Glorietta 5. For P299 per head, isang pagkahaba-habang table ng buffet ang nakalatag. Mula sa ulam na Kare-kare, Adobo, Bulalo, Sinigang na fish, Dinuguan, Fried Chicken, may mga ulam pa na puedeng ipa-ihaw - liempo, bangus belly, pusit, chicken barbeque, may oysters (ano nga bang puedeng gawin dun) Salad bar and desserts bar.

Pasensiya na, hindi kami kumuha ng madami kasi dinner yun. Mahirap magtunaw sa gabi. Pero sulit naman ang kinain dahil pabalik-balik kami para dessert na fresh mangoes. I had fried rice and pinakbet para sa inihaw na liempo, pusit at chicken barbeque na ulam.





Mukhang konti, right? Pero madami na kaming nakain niyan. What's good about it, madaming variety ang puedeng ilala sa murang halaga. Kesa naman mag-package for three people na limited lang yung fudang. At ang pinaka-importante eh masarap ang pagkain nila!






2 comments:
napapansin ko, puro pagkain na ang laman ng blog mo. food blog na ba 'to?
saan ba magandang kumain habang gumagawa ng food blog? hahahaha!
Sa pinggan @ogiediaz. Hahahah!
Post a Comment