Men Catalog #004

Ang sekyu sa opisina na kahawig ni Coco



Gash, I'm a loser. Hanggang ngayon, wiz ko pa alam ang real name ni Coco. Mahiyain naman ako sa personal. Nakakahiya naman ipagtanong sa iba pang sekyu, baka sabihin eh patay na patay akes.

Well, well, well, let me tell you the good news! May progress naman sa mala-pagong sa bagal na usad ng relasyon namin ni Coco. Bagong tasa na naman siya kanina kaya naman namamagnet ako sa kamatchohan niya.

So heto na nga. Papasok kami ng kaofficemate ko sa Recreational Room kung saan siya naka destino. OH MY GUMS! May lumabas sa pinto at hinawakan lang ni Coco para nakabukas hanggang sa kami ay makapasok sa loob. Habang papasok, nag-gesture pa siya na parang nag 'bow' sabay smile while waiting for us to finally get inside. MY GASH, umeps na rin naman ako no! Pagkakataon ko na kasi nakatingin siya sa akin kaya sinabi ko na rin ang mga kataga na in my super pasweets for my sweets na voice na " i love you too..."

Siyempre, joke lang! "Thank you" lang naman ang sinabi ko, ang hina pa nga, so I doubt kung narinig niya yun. Kakalurki. Kahit naman papaano, may progress, de vah? Ibig sabihin, malapit ko nang makamtan ang matamis niyang 'yes' kapag naligawan ko na siya....


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment