Day 26: Aimee's Crib
It's a biglaang lakad, buti natuloy, instead of planadong lakad na hindi natutuloy. Aimee's sister brought home several bottles of Tanduay ice and a few 6pack cans of beers from their post Christmas party (it's already January, how it could be so late?) She wanted us to consume it so that's why she invited us to go over to her crib. We had Kare-kare, Buttered Shrimp, Andok's Lechong Manok and Buko Pandan and Vanilla ice cream over Butter Scotch Cookie.
Day 27: Black Dog
Geez. (sushalera mode) Ito ay isa sa mga gabing kahindik-hindik at hindi kagila-gilalas. Habang naglalakad sa dilim, ako ay sinundan ng isang itim na aso. Dinaig pa ako ni Remington sa sobrang shokot, muntik na akong mahimatay. Bwisit na mga aso yan, mukha ba akong naglalakad na buto para sundan? Nagtayuan ang mga balihibo ko habang slight na tumatakbo papalayo.
![]() |
Pagkatapos ng isang linggo, bumalik ulit ako sa hospital para ipasuri ang aking karamdaman. Kaloka ang assistant ni Doc. Utusan pa akong kunin ang result ng lab test na hanggang ngayon ay hindi pa niya nafa-follow up. Masunurin at mabait ako, pero hindi ko pinatos ang utos niya dahil tinatamad ako. Hindi pa magaling ang sugat at may konti pang - pasintabi sa mga kumakain - nana - kaya kailangan kong linisin mabuti ang sugat at babalik ako ulit. Shocks, ayoko na ma-encounter si ate assistant. Bossy at intrimitida siya. Total opposite ni Doc.







0 comments:
Post a Comment