Day 16: So very, very ouchy.
Mahapdi. Matrabaho. The wound should be clean twice a day. Sa umaga, bago pumasok at sa gabi bago matulog. I feel relieved dahil hindi na masakit. Puede na akong mag thong at mag maong pants na hindi nag aalala na tatagusan.
Day 17: Basta Generics, gusto ni Melissa Ricks! (mag rhyme lang)
My gash! In less than a week, magkano na ang nagagastos ko sa gamot na kailangan kong inumin. Dahil hindi tumalab sa akin ang mga mamahaling gamot na ininom ko nung nakaraang linggo, ibang klase namann na gamot ang pinainom sa akin. Last week, kung 116 pesos ang isang tablet, heto naman ay 81 pesos ang isang capsule. Sumasakit ang bangs ko!
Buti na lang, Generics Pharmacy believes that health is not a privilege, but a basic right of every Filipino. Chos! Ang gamot na 81 peysos ay 8.50 pesos na lang! What a big difference! Sa sobrang mura, nagpanic buying ako para hanggang sa next month's supply! Sana naman, mawala na at gumaling nang tuluyan ang aking sugat.
Day 18:SHIT! Shirya!
Buhay pa ang Hi-Top at every once in a while, nagkakaron sila ng mga sale na items. Last year, nung magkaron ng sale ng Hershey's Chocolate, isa ako sa mga nag hoard dahil sa takot na it's only good while supply lasts. This year, mga shitshirya na syento-syento ang presyo at half a price na lang. Bakit sila nagse-sale? Malapit na kasi mag expire. Hahahaha! Hindi naman siguro sasakit ang tiyan ko kung ma expire kinabukasan at kinabukasan ko na rin kakainin.
Dahil wala akong pasok for the next four days, kailangan magtabi ng pagkain para sa aking movies and series marathon!






0 comments:
Post a Comment