Day: 18 Sebaceous Cyst

My gash, no pictures na lang, baka i-banned na ng MTRCB ang blog ko at bawiin ang binigay na Rated A for excellence in blogging. Chos!
Bumalik ulit ako kanina kay Doc upang tignan kung may progress ba sa akin sugatang wetpaks. Just to give you an overview kung ano ang hitsura nito at pasintabi lang muna sa mga lumalaps, puedeng tigilan muna ang pagbabasa hanggang dito at bumalik na lang sa ibang araw, kapag matapang na ang inyong sikmura. So heto na nga, ang hitsura ng sugat ko ay parang sugat na nakagat ng ipis - namamaga na may matigas na parte na medyo mamula-mula. Sa gitna nito ay may incision na parang nakasmile at may nakalabas na laman. Kadiri no? Ang laman pala na nakadungaw ay ang bukol na tumubo, na infect at nagkaron ng nana. Nahiya man ako sabihin, pero natuklasan ni Doc ang pinakakatago kong sikreto.
Unfortunately, wala pang resulta sa lab tests kaya wala naman findings na kakaiba sa sugat ko. Nilinis na lang ang sugat at pinababalik ulit ako next week para saidin ang laman ng aking health card. Loko lang.
Napagisip-isip ko, ba't naman ako mahihiya sa bukol sa wetpaks ko eh as far as I know, wala naman akong ginagawang kalokohan para magkaron 'non? Now, I've learned my lesson na puede namang sumangguni sa espesyalista kung may nararamdaman. Kung ipagwawalang bahala, baka lumala.






0 comments:
Post a Comment