Mga Pag-aaring Materyal #002

Kanina nga, nang aking nahalukay ang Dear Diary circa late 90's, binasa ko ang isa sa mga pahina. Infurness, masipag akong magsulat dahil napuno ko ang diary. Isa itong planner na ginivlove ng aking nanay na aking pinagsulat-sulatan. At kakalurkey, napunta pa ako sa pahina na sinulat ko si, uhm, Kokey? Hahahaha! Masyado naman niyang ini-invade ang aking privacy. Tahimik na nga ang aking, uhm, life.



Pasensya, tinodo ko ang contrast kasi kakahiya na mabasa ang laman. Pansin ko lang, naka focus ako nung high school sa aking mga crushes! Sa sobrang dami, di ko na matandaan kung ano ba ang fezlaks nitong sinulat ko na si Gerry o 'Eric'. Siya ay aming kapitbahay sa 3rd floor. At uber ang aking pagka stalker! I-identify ko lahat ng damit na nakasampay sa kanila, ni ultimo kulay ng karsunsilyo niya, i-document ba!

Grabe ang pagka delusional ko nung bata ako! Buti naman hindi ako suicidal. Nakakatakot naman pala ako. Hahahahahha!


Boypren
Siyempre, new ballpen for my new diary. Vampire Diaries mode na ako mamaya!


Star Studio Mag

Nung last week ko pa gusto bumili dahil nacute-an ako kina Toni at Direk Paul. Yung last time na bili ko nito ay si Bea Alonzo ang cover (Betty la Fea days). Hindi ko masyadong gusto ang contents ng SS Mag and I preferred Yes! ay my chismax mag! Kelangan updated sa mga showbiz happenings!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment