Day 54, February 24: Oooopsies!
Badminton day was moved today because some people would join and we agreed to move it, but they didn't come. Ako, ang isa kong friend kasama ang baby niya at ang isa ko pang friend with her boyfriend lang ang nagpunta. For about an hour, we played badminton at tumakbo ng konti para makapagbanat ng buto.
Mukhang tag gutom kami at the moment, kaya napagisipan na lumaps sa McDo after magpagod. At heto na ang aking kwento. Ang isa kong friend ay nasa isang very complicated situation at tawagin natin siyang Caramba. Dalawa ang kanyang jowa at sa loob ng mahabang panahon, naitago niya ito ng bonggang-bongga. Ang isa ay nasa abroad at ang isa naman ay nandito nga, siyempre at kasama namin kanina. Tawagin nating siyang Chimini ah-ah. At si bf abroad ay tawagin nating Chuvaness. Habang nag chichikahan, ang friend kong itago rin natin sa pangalang Etchosera ay biglang nagkamali sa pagtawag ng name ni Chimini ah-ah. Bigla niya itong tinawag na "Chuvaness!" and at the very moment, alam kong nahiya siya dahil pulang pula ang kanyang fezlaks habang nagsosorry. Kami naman ni Caramba ay tawa lang ng tawa.
We are assured namam by Caramba na hindi ito nag create ng stir sa relasyon nila ni Chimini ah-ah samantalang sising sisi naman si Etchosera sa pagkamali-mali niya. Ang hirap malagay sa isang very complicated relationship and sa isang very compromise situation. Buti na lang, hindi ako masyadong maganda. Hahaha!






0 comments:
Post a Comment