Day 55, February 25: People Power
25 years taon na nating pinagdiriwang ang EDSA revolution na isa sa pinakamayapa na rebolusyon sa mundo na walang buhay ang nakitil. Baby pa lang ako noon kaya wala pa akong muwang sa mga nangyari at kanina, naisipan kong pumasyal sa Circle. Simula ng i-renovate ang circle para gawing world class historical park sabi ni Mayor Bistek, madaming tao na ang bumibisita dito. Eh parang last year lang, kapag ganitong mga hapon, iilan-ilan lang ang tao. Ngayon, madami nang tolda ang nakatayo dahil bukas, Saturday, may tiangge sa circle at may lamunan. Siyempre, kailangang present ako diyan!
Kanina pala, nakita kong may shooting sa may bandang memorial ni Quezon. Siyempre, naki usyoso na ako no. Akala ko naman, maku curious ako panoorin. Yun pala, taping ng Mel and Joey. Ang laki pala ni Mel sa tunay na buhay. Yes, mas malaki pa siya sa akin sa laki kong ito. Well, yun lang naman. Hindi ko na pinicturan. Ang bilis kasi mag pack up! Ilalabas ko palang ang silpown ko, sabay alis na sila. Haha!







0 comments:
Post a Comment