Capones and Camara

Day 2

5am. Gising na ang beauty ko dahil naiihi na ako. Hindi ako makaihi kasi natatakot ako, madilim pa, pero lakas loob na rin ako nagtungo sa cr bitbit ang lampara para jumingle.

May cr at banlawan sa Anawangin na ang water supply ay nagmumula sa water tank. Bukas ang generator para may ilaw sa public cr from 6pm-7pm at 5am-6am.


Super full moon.

The moon at night on Day 1 shone at it's best. Kaya pala high tide nung gabi. Rinig na rinig rin ang ingay ng waves kaya paputol putol rin angtulog ko. Napapaisip ako na paano kung abutin kami ng tsunami habang natutulog? Kakainin lang kami ng buhay ng tubig.







Nag-aantay ako ng sunrise ng madaling araw, pero sa kabila pala sumisikat ang araw! Hindi tuloy ako naiyak ng sumikat na ang araw.




Lake at Anawangin.

Pupungas-pungas pa, mga 6:30 am, aming nilibot ang Anawangin para hanapin ang lake. Nahahati ang Anawangin sa dalawang parte, sa side namin na walang bakod at sa kaliwang side na may bakuran portion. Nakakapagtaka lang kung bakit may bakuran dun? May bayad naman ang pagka camping huh? Ang pagpunta daw sa lake ay may bayad din na 50 peysos.

So, sa likod na lang kami dumaan at ang bakod ang aming guide kaya di na kami nagbayad. Heto na ang aming nakita.




After mag moment at maglakad-lakad along the shore, kami ay bumalik upang mag agahan at may kwento ako sa mga maharlika tungkol diyan later.

Pagkatapos magligpit ng tent at mag pack up, we are so readyyy to be drop off sa mga isla ng Capones at Camara. Isang katawa-tawang eksena: Habang magpipictorial sa bangka bago kami pumalot, na sabihan ko na ang bangkero kung paano ang tamang pagpindot ng camera para kuhanan kaming tatlo at sa sobrang eggzoyted, patakbo akong pumunta sa likod upang makapwesto at biglang PLAK! Nadapa ako sa buhanginan! Hitsura ko! At sa sobrang katawa-tawa ang hitsura ko, nakuha ko pang picturan ang sarili ko habang tawang-tawa.





Antenna.

Mukhang antenna ito ng bangka na tumutulong para makarating kami sa direksyon na pupuntahan namin. Itataas lang ng bangkero at ang hangin na ang bahala na magihip sa tamang direksyon.




Capones.

Sabi ni Nat, Capones is such a paradise. This is where you can see this beautiful light house that was situated at the top of the mountain.



Trail.

But going to the top is not that easy. Hindi isinama sa itinerary na magte-trekking pala papanhik ng bundok. Hindi naman kasi ganun kadali ang mag pumanik lalo na sa mabibigat na katulad ko. Naalala ko pa ang pagpanik ko two years ago sa Mt. Pinatubo and I swear, mas madali pa yun compared dito. Ang trail ay puro mga bato at sobrang dulas! Ilang mga sirang tsinelas ang nakita ko na iniwan sa isla dahil sumuko sa paglalakad sa mga bato na at ilan din sa mga kasama ko ang nadudulas habang naglalakad. At napatunayan ko na matibay ang Havs dahil ilang beses napigtal ang tsinelas, pero nababalik ko rin naman and walah! Maayos ulit. At kung nasabihan kami agad, hindi ako sasama, I swear! Mag papaiwan na lang ako sa baba, but since I'm not maarte, sumama na rin ako. Wala rin kaming pahinga habang papanik! Nakakaloka! Para akong aso na lawit ang dila at hingal ng hingal pagdating sa taas.





Mainit ang sikat ng araw, plus pagod = mainit ang ulo. Pero wala namang nagwala. Nakakasira lang ng mood mag pictorial dahil pagod na pagod ka na pagpanik sa taas.





Sa sobrang init, takot akong mangitim ang fez ko. Hindi na ako pumanik sa light house, maatas pa rin yan. Nagipon na lang ako ng lakas dito para makababa ng matiwasay pabalik ng siyudad. Kung pwede lang ba magpagulong para mabilis makakaba ng bundok weh, kaya lang, same path din daw ang pabalik. Ang swerte-swerte ko naman!






At kinuhanan pala ako habang bumababa. Chura ko naman.




Mag-aalas dose ng tanghali na kami ng nakababa. Sa sobrang taas ng sikat ng araw, nasunog ang balat ko. Pagkababa dito, kami ay tumuloy ng Camara para tumambay lang ng 10 minutes at kami ay umalis agad. Hindi na ako naligo dahil sobrang pagod na rin ako at iniimagine ko na maliligo na lang kami ng bongga bago umuwi. Hindi na rin nakapag pictorial at Camara dahil pinagod na kami ng bonggacious sa Capones.






  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Anonymous said...

more stories re: the maharlika's pls.. hehe at wala bang mga fb account sila? hehe

mahadera black

Post a Comment